Chapter Twenty-Six

26 2 0
                                    

  Chapter 26

Kvyn's POV.
Nag aasaran pa kami habang pabalik ng hotel ng malayo palang ay natanaw ko na sina trina na parang may hinahanap ng makita kami ay nagmamadali silang lumapit samin.
Nagtinginan kami magkakaibigan sa kanila

"Kvyn! Si-Si alexa nakita namin na walang malay na dinala ng isang lalake sa pampang at isinakay sa isang speedboat" -Trina.

Biglang pumantig ang tenga ko at kumabog ang dibdib kom ni hindi ako makagalaw sa gulat

"Please pano niyo nakita?" Kinakabahan na ding sabi ni terrence. Naramdaman ko namang pinagpapawisan ako ng malamig.

Hindi naman to panaginip o ano diba?
Please gisingin niyo ko. Ayokong totoo to. Naipikit ko ng madiin ang mga mata ko.

"Pabalik na siya galing sa pictorial ng may biglang lumapit na lalake at may nilagay sa mukha niya at nahimatay, palabas na kami nun kaya nagulat pa kami. Pero mabilis yung lalake dahil agad niyang pinangko si alexa at tumakbo papunta doon" kwento ni Jade pero ni hindi ko maintindihan

"Bud calm down. Nandito kami" pagpapakalma ni timothy sakin. Pero parang wala ako sa sarili. Pilik kong iniintindi pero wala.

"May sasakyan kayo diba?" Seryosong tanong ni daniella

"May apat na speetboat at dalawang yate ako na nandito" sabi ni kherro

"Ibigay mo ang number ni alexa. Matatrack ko kung nasan siya" Napa angat agad ako ng tingin kay daniella parang biglang naintindihan ko sinabi niya dahil agad kong kinuha ang phone ko at ipinakita ang number niya. Lahat kami ay nag hihintay kung anong sasabihin niya. At pigil hininga naman ako at nagdadasal na sana dala niya ang cellphone niya.

'Please'

"Ayun." Biglang sabi nito. Bigla akong nabuhayan ng loob at sinilip kung anong meron sa cp niya. May umiilaw ilaw blue na light.

"Hindi gumagalaw ang pwesto niya. Nasa likod siya ng isla!" At dahil doon ay nagsitakbuhan na kami pasunod kay kherro para makapunta sa pinaglagyan niya ng sasakyan

"Dito lang kami. Ingatan niyo si daniella. Be safe" sabi ni trina tumango naman kaming lima. Tatlo kami nina terrence at daniella sa isang speed boat at magkasama naman sina timothy at jake at kherro sa isa pa

"Be safe my love" mahinang dasal ko habang nakatitig sa cellphone ni daniella.

"Buti naka on din ang gps ni alexa" sabi ni daniella kaya napalingon sa kanya

"Salamat pala" sabi ko

"Wala yun. Kaibigan na rin samin siya " nakangiti niyang saad. Tumango naman ako

"Doon!" Turo ni daniella sa isang yate sa gitna ng dagat. Akala ko speedboat?

Sumenyas si timothy na siya muna ang pupunta pero sumunod agad ako.

"Hawakan mo lang to" sabay bigay sakin ng isang...

baril.

Takang napaangat ako ng tingin kay timothy.

"Just in case" bulong nito at nagsimula na naming halughugin ang yate pero

wala kaming makita. Nanlumo at naluluha ako habang patuloy parin sa paghahanap.

Kahit sina kherro at ang iba ang naghanap na rin. Di ko mapigilang maluha.

"Alexa" Naiiyak kong tawag habang nababasa na ang hawak ko ring cellphon kung saan nakikita kong umiilaw na blue light.

"Dito Dito!!" Mabilis pa sa alas kwatro akong lumapit kay jake ng makita kong buhat buhay na ni timothy si alexa. At doon na ako napahagulhol ng iyak.

"Thank god" mahinang sambit ni daniella.

Mahigpit ko siyang niyakap habang wala pa rin siyang malay

"Nandito na ako alexa. We're going home now."  

| PECULIAR SERIES #1 | Kvyn FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon