Chapter Four

58 2 0
                                    

Kvyn's POV.

Kahit ayokong mawalay kay Alexa kailangan ko paring umattend sa board meeting ilang araw na akong absent tss.

Pagkalabas ng kwarto ay ngiti agad ng bagong gising ni alexa ang bumungad sakin. Makalat pa ang makapal at itim niyang buhok. Mapungay pa ang kanyang magagandang mata at ang mapula-pula niyang labi na gusto kong halikan magdamag.

Kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras ay hinalikan ko na siya sa labi. Nang bumitaw ay ngumiti ako sa kanya.

"Good morning my love" bati ko. Kinukosot niya pa ang mata at naglambitin sa leeg ko

"Call me if you feel something ok?" This is the reason why I love this girl. Kahit kalahating tulog ay ako parin ang iniisip niya.

Inaayos niya ang kwelyo ko bago hinalikan ulet sa labi. Para tuloy kaming mag asawa.

Biglang nanlumo ako. Pano kung hindi mawala tong sakit ko ?

Iiwan ba ako ni alexa kung magsawa siya sa pag iiba ng personality ko. Wala akong natatandaan kung hindi ako kasalukuyang katauhan. Para akong nasa malalim na tulog at bigla ka nalang magigising.

Ganun ang pakiramdam ko.

Nagpaalam na ako at bumaba sa parking lot at sumakaw sa sasakyan at bumiyahe papuntang opisina.

"Morning sir" bati ng mga empleyado. Tumayo lang ako at dumiretcho sa main office.

Ngayon araw dadating ang bago kong assistant dahil yung huli ay muntik na kami naghiwalay kay alexa ng dahil sa nakita niya. Nakaupo kasi yung higad na yun sakin ng biglang pumasok sa opisina si alexa na gulat na gulat na nakita kaya ayoko na mangyari ulet yun. She's my life and death.

"Sir. Ako po ang new assistant niyo. Kelly Gregorio" sabi nito habang nakatayo ng tuwid. Maayos ang suot nito. Good.

"Siguro naman wala kang masamang balak gaya ng last assistant ko?" Pormal at maotoridad kong tanong. Stay firm and strict.

"No sir. I love my work so no worries po" medjo high pitch nitong sagot. Mukhang kinakabahan hindi ko nalang siya pinansin at ginugol ako ang oras ko sa pagbasa ng mga proposals ng bigla akong mahilo.

'No. Not here please'

Pero huli na ang lahat

"Grimm Montero at your service, losers"

| PECULIAR SERIES #1 | Kvyn FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon