Chapter Thirty-Nine (Last)

51 3 0
                                    

  

Paolo's POV

(ó﹏ò。) siya pala si Leo? Si kvyn at si Leo? Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Hindi ko naman naisip na pinsan ko siya. Lalapitan ko sana si kvyn ng nakita ko siyang nakaupo pero walang malay. Naluluhang nilingon ako ni tito.

"Call the ambulance, we're leaving after. Wala na akong gagawin dito" mahina pero rinig ko at dahan dahang tumayo at lumabas ng mansyon.

Agad naman akong tumawag ng ambulansiya at nag sinungaling na nakita ko lang sila habang dumadaan ako. Nang nakaalis ang mga ambulansya at lumapit ako kay daniella at timothy na may malay na at masamang nakatingin sakin.

Lumuhod ako sa harap nila

"Forgive me. Aalis na ako, kami. Hindi na kami manggugulo. Alagaan niyo si alexa at kvyn para samin" sila na ang bahala kung papayag sila o hindi. Gusto ko lang yun sabihin dahil sa lahat ng ginawa ni kvyn at alexa sakin ay yun ang isusukli ko sa kanila.

Another trauma.

"I'm sorry" yumuko ako at lumisan na sa lugar.

"Sorry alexa. Please take good care of my niece" bulong ko sa hangin. Alam kong buntis siya dahil isa ako sa nagbuhat sa kanya at nagmakaawa ang doktor dahil nagdadalang tao ang pasyente niya. Hindi ko lang sinabi kay tito baka kung anong gawin niya. Mabuti at dumating si kvyn.

Dahil ako ang sasalo kung tangkaing barilin ni tito si alexa.

"Farewell"

'Paolo Frederick Montero - /kanang kamay ni Grimm Andrius Montero/

Kherro's POV.

Parang panaginip ang nangyari habang nakatitig lang ako sa kisame ng ospital dahil sa una kong sugat nagka impeksyon yon dahil sa pagsugod namin sa isang mansyon.

Mabuti isang magaling na martial artist si trina at karate naman si daniella. Isali mo pang marunong makipagsuntukan si timothy. Kung hindi dahil sa kanila ay baka tadtad na kami ng butas sa katawan. Ilang araw na kaya makalipas ang nangyari ?

Ni walang bumisita sakin. Isang araw na akong gising pero ni buhok ni terrence ay di ko nakita. Kaya sinubukan kong kausapin ang nurse nung pumasok sa kwarto ko at may chineck.

"Ah nurse. May pasyente po ba kayo na Kvyn Ferrer at Alexandrea DeVerre?" Nag isip ang nurse bago sumagot.

"Nadischarge na po si Sir Ferrer. Pero wala pong pasyenteng alexandrea DeVerre"

O_O

"Seryoso ka nurse ? Buntis po yun eh. Kailangan niyan--"

"Bago po kasi dumating ang ambulansya niyo kahapon ay may dumating ring ibang sasakyan at doon nila nilipat yung babae tapos po ay umalis" kwento nito.

Kinabahan naman ako. Don't tell me kinidnap nanaman siya ? Fudge ! Si alexa nalang lagi.

"Ilang beses din pong nagwala si patient Ferrer kaninang umaga ng malaman niyang wala din si ma'am Deverre" mahinhin paring kwento nito. Nagpasalamat ako sa kanya at hindi na rin ako mapakali sa hinigaan ko. Gusto kong puntahan si kvyn.

Ano na ang nangyayari doon. Huhuhuhu. Hintayin mo ko kaibigan.

Kinahapunan ay na discharge na rin ako. At ang una kong naisip ay ang puntahan si kvyn. Tinawagan ko si timothy at sinagot niya to. Ang ingay ng kabilang linya parang may nag aaway.

"Yo timothy ! Nasa boxing ring ka ba ? Ingay jan ah" biro ko pero alam kong si kvyn ang naririnig ko. Ayoko lang ipahalata na nanginginig na rin ang boses ko. Ang sakit pakinggan ang palahaw niya. Pati ako ay nasasaktan.

"Nandito kami sa unit ni alexa" walang buhay niyang sagot. Yun lang ang gusto kong malaman at pumunta agad.

Gusto kong matumba sa kinatatayuan pagkabukas ko ng pinto. Ang kalat ng paligid.

Sa kwarto ! Agad din ako pumunta doon. At sa labas palang ay nakita ko na sina timothy, terrence at Jake na nakatukod sa pinto ng kwarto.

"Guys" mahina kong tawag napalingon naman si terrence na bakas ang mukha sa pag iyak

"Na-natutulog na si kvyn. Wa-wag mong kausapin" mahinahong sabi ni terrence tumango ako at tumabi sa kanila.

"Kanina nung nalaman niyang kinuha si alexa ng daddy niya ay agad niyang tinanggal ang IV na nasa braso niya at hinanap si alexa. Ang sakit tignan yung kaibigan mo sa ganung kondisyon tapos wala kang magawa kundi ang pakalmahin siya" kwento ni timothy.

Nakinig naman ako habang naiisip ko ang nangyari kanina.

Nangyari to ng gising na ako.

"Kung hindi siya tinusukan ng pampakalma ay hindi pa siya huminahon. Ok na nga yung MPD niya kaso nung nalaman niya yun ay parang bumalik. Hindi ko kilala ang kaninang kvyn" patuloy ang kwento ni timothy at kanya kanya na kami ng hikbi.

Kvyn's POV

Hindi ako tulog. At naririnig ko sa labas ang hikbi ng mga kaibigan ko na pumigil sakin.

Bakit ganito ? Ang sakit sakit na pag gising mo ay wala ka ng yayakapin na alexa.

Parang nagdilim ang paningin ko at gusto kong magwala at hanapin siya at magkaawa sa daddy niya ibalik sakin ang mahal ko.

Hindi ko kaya ang ganito.

Mahigpit kong niyakap ang unan at naaamoy doon ang pabango ng mahal ko. Eto nalang ang magpapakalma sakin.
Iisipin ko nalang na katabi ko siya at walang nangyari. At magigising ako sa halik niya sa labi ko at yakap niyang walang kapantay.

Pag gising ko ay nandito kana mahal ko.

Parang awa mo na.

Bumalik kana.

Alexa. My love  

| PECULIAR SERIES #1 | Kvyn FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon