[DR] Chapter 21: Effects

42 4 0
                                    

Safiera's POV

Nang matapos kaming magligpit ay agad agad kaming lumabas dahil nag aantay daw samin ang van--scratch it naghihintay samin ang Flying van.

"Anak, becareful okay?"tinanguan ko si mama tsaka ko sila niyakap at hinalikan sa pisnge. Ang huli kung nilapitan ay ang kambal.

Hinalikan ko si Ate Camy sa pisnge at niyakap ko naman si Kuya Vryde. Ganun din ang ginawa nina Seliena at Keira.

Nang makasakay kami si Flying Van ay agad na pinaharurut iyon ni manong driver. Napaigik ako nang tunama sa pinto ng kotse ang ulo ko. Dammit!

"Tanginang driver ito."wika ko. Nakita kung lumingon ang driver samin. Hindi ko yun pinansin at hinarap ko sina Seliena at Keira.

"So about that creepy dream. Iba ang feeling ko."wika ko. Bahagya pang lumukot ang noo ni Seliena.

"Alam ko, pero nakakainis kaya ang nangyari noon dahil nainlove daw ako?"naiiritang wika ni Seliena. Si Keira naman ang binalingan ko. Nagkibit balikat muna siya bago nagsalita.

"Yun nga eh medyo weird nga, sa tingin ko may mga details pang hindi naipakita satin."wika ni Keira. Napatango ako, oo nga nuh? What if nag fast forward ang panaginip ko. Pero ang tanong sino naman ang gagawa nun?

Hindi ko alam pero napalingon ako sa driver, he is fucking familiar to me. Saan ko na siya nakita? Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko sa naalala

"Ay Shit!"talagang napasigaw ako. Nilingon ko ang driver ulit. And I am really fucking right! He is Dash!

"Anong problema mo?"nagtatakang tanong ni Seliena. Umiling ako, bakit hindi nila namumukhaan si Dash?

"Seliena, natatandaan mo pa ba ang mga mukha nila?"biglaang tanong ko. Umiling siya.

"Hindi. Malabo kasi, ang natatandaan ko lang ay ang mga nangyayari at tayo. Ganun din si Keira."yun ang sagot niya bigla ay nagtaka ako. So ibig sabihin ako lang ang nakakatanda sa mga mukha nila? Like what the hell?

"Ano? So ibig--"

"Baba na, nandito na tayo."lalong nanlaki ang mga mata ko. Siya nga!

"Saf? Okay kalang? Kanina pa laki ng laki yang mga mata mo."hindi ko sinagot si Keira sa halip ay lumabas ako na naging dahilan para malaglag ang panga ko.

Fuckingshit!

Erra Academy?!?! It is so fucking the sameee!! Tangina?

May lumapit sa amin na isang may edad na babae at lalake. Hindi sila familiar sakin kaya tinitigan ko sila ng maigi.

"You may now go, Mr. Rean."nakita kung bahagyang napaawang ang bibig ni Seliena. Umalis naman ang lalakeng nagdrive ng flying Van na alam kung si Dash iyon, mas gumwapo si Dash talaga.

"Herishiene, Retibine and Alreford. Good to see you, by the way I am Mrs. Maraya and I am the headmistress in this Academy and this is Mr. Roliv he is the Minister in this Academy, nice to meet you."isang nakakasilaw na ngiti ang ibinigay samin ng dalawa. Nainggit naman ako sa puti ng ngipin nila.

"Hi."Tipid na bati namin. Iginaya nila kami papunta sa kung saan na hindi familiar sakin. Siniko si Seliena kaya napa aray siya.

"Ano ba? Ba't ka naniniko?"Nagtatakang tanong ni Seliena sakin, I shook my head and whisper.

"Hindi ko naman nakita sa panaginip ko ang lugar nato eh."wika ko. Tumango naman siya. "Oo nga, kahit nga yung akin."sagot nito.

Bigla namang sumingit si Keira. "Oo nga! Wala rin yun sa panaginip ko."napakibit balikat ako.

The Last Three Powerful ImmortalsWhere stories live. Discover now