Safiera's
Ilang araw narin matapos nung araw na nagawa kong kontrolin ang ability ko. Pero hindi pa ako ganun ka galing gumamit ng magic.
“Girls! Ohmygod! Punta tayo ng mall!”biglaang sigaw ni Cindy. Mall? Yung mall dito sa Academy?
“Bakit naman?” Keira asked.
“Bukas ng gabi, magkakaroon ng Mystic Night. Ibig sabihin, magkakaroon ng party and we all should have dates.”biglaang sagot ni Selina.
“How did you know?!”
“What? Dash told me. He said ako ang magiging kadate niya.” Walang gana na sagot ni Selina. Naku! 'tong dalawa na 'to sigurado akong may something na sila.
“Ikaw ang kadate niya?”
“Paulit - ulit?”
“Cindy! Nakakainggit siya noh!”
“Oo nga! Kaso wala naman akong kadate eh!”
“Tayong tatlo ni Safiera walang kadate!”
Argh this guys. Sige nga pagtripan ko ang mga toh.
“Anong ako? May kadate ako!”putol ko. Nanlaki ang mga mata nila.
“Sino?!”
“Hala! Safy naman eh!”
Aba batukan ko itong si Keira, ilang ulit ko na ba sinabi na wag na wag niya akong tawagin na Safy!
“Si Zach!”
Pagkasigaw na pagkasigaw ko, silang tatlo ang nagreact.
“Si what?!”
“Di nga?!”
“Zach na commander natin?! Safy hah! Binobola mo kami!”
Binatukan ko si Keira. Mga binge 'tong mga 'to ha.
“Oo nga! Alis na nga muna ako!”nagmadali akong lumabas. Isa pa hahanapin ko naman rin si Yssa eh. Asan na kaya ang batang 'yon?
Nagpunta na ako sa lahat ng pwede kong puntahan pero wala na siya, asan na ba yun?
Dahil sa pagod nagpunta ako sa garden. And guess what, Yssa is there with Zach. Like super kaloka!
“Yssang! Bakit ka ba umaalis ng di nagpapaalam?” lumapit ako sakanila. Naalala ko tuloy na tinawag niyang papa si Zach.
“Sorry mama, gusto ko lang makasama si Papa eh. Aalis na kasi ako ngayong araw.”bigla akong natigilan. Aalis siya? Saan siya pupunta? Para akong naiiyak.
“Anak san ka pupunta?” tanong ko. I am in the urge of crying.
“Sa future po. Galit na po ata ang fute na ikaw mama. Mukhang hinahanap mo na ako. Tapos mama, hindi ko po naman father si daddy Jake eh. Si Papa Zach naman yung Papa ko.”
Wala na umiiyak akong umupo sa tabi niya at niyakap siya. Napalapit na ang loob ko sa batang ito. I can't lose her.
“Anak naman eh.”
“Safiera, she needs to go.”
“Ayoko!”
I was crying so hard nang magsalita si Yssa. “Mama wag na po kayong umiyak. Ipapanganak mo naman po ako eh, Papa Zach bantay at alagaan mo si mama ha.”
And as she says those words naglaho nalang siya ng biglaan. Umiyak ako ng umiyak nun. Niyakap ako ni Zach and that's where I cried hard.
Namumugto ang mata ko nang ihatid ako ni Zach sa Dorm. Pagkapasok ko naabutan ko sina Keira at Selina na namumugto rin ang mga mata.
YOU ARE READING
The Last Three Powerful Immortals
FantasiWhat will happen? Safiera had that kind of weird dream, even Seliena and Keira Everything she thought would happen will never happen. Another time another story to them. Their feelings are getting stronger and it is invading their whole being.