[DR] Chapter 30: Captured

27 3 0
                                    

Safiera's

Hindi ko kahit kanino sinasabi ang sinabi sakin ni Zach kahapon. Sinasarili ko na muna kasi nakaka - overwhelm pa eh.

Masaya ako kasi kaya ko na kontrolin ang ability ko. Hindi nga ako makapaniwala, the ability is so strong yet I still manage to control it.

Nagpunta ako sa garden. Pagkarating ko nakita ko na naka - upo si Zach sa spot na paborito ko. Nilapitan ko siya.

“Akin 'tong spot na 'to, nakikihati ka pa ah!” I exclaimed.

“Kung ano ang pagmamay ari mo, akin na. Everything I own is yours too.” Umiwas ako ng tingin. Wala na hulong na hulog na. 'tong isa na 'to eh, namula ang pisnge ko. Tumabi ako.

“Zach. Alam mo yung tungkol sa Sylvins and King?”

“Yeah. You're the Sylvins and I am the King.” napabuntong hininga ako. Ang dami niyang alam. Hinarap ko siya tsaka ko siya niyakap. Hindi ko alam pero pakiramdam ko mawawala siya sakin.

Mahal kita.

Yan na muna. Di ko na muna sasabihin sakanya ng harapan. Tumayo ako at nagpaalam na aalis muna, may kukunin pa kasi ako. Okay naman siya.

Pabalik ako sa dorm when I feel something weird. Luminga - linga ako. Wala naman. Natigilan ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang isang matulis na bagay na tumusok sa may leeg ko. I tried to move pero hindi ko kaya.

Naramdaman ko nalang na nakahiga na ako sa sahig. I feel so weak and tired. I can't stand my tiredness kaya naipikit ko ang mga mata ko. Help.

Erra Academy:

Gabi na at hindi parin umuuwi sa dorm nila si Safiera. Nakaramdam na ng pagtataka ang kaibigang si Cindy. At dahil sa kaba, pinuntahan niya ang pinsan ng kaibigan na sina Keira at Selina.

“Girls! Have you seen Saf?”

Nag aalalang tanong nito. Bigla namang kinabahan ang dalawa. Napaisip muna si Keira kung ano ang sinasabi ng kaibigan.

“Ano? Hindi, bakit nawawala ba si Safiera?” hindi matiis na tanong ni Selina na ngayon ay nagaalala narin para sa pinsan nito.

“Hindi ba umuwi?” nagaalalang tanong ni Keira. Kaagad namang umiling si Cindy. Biglang napatakbo si Keira sa lugar kung saan mahilig tumambay ang pinsan. Garden.

Di kalayuan, sa daan papuntang Garden ay napansin ni Selina ang isang kumikinang na bagay. Takbong tinahak ng tatlong babae ang bagay nayun. Imagine their horror ng tumambad sakanilang harapan ang kwintas na pag aari ni Safiera.

“Oh My God!”

“Tangina!”

“Shit, it's not happening! Safiera is missing!”

Matapos nilang malaman ang bagay na yun, they immediately reported it to the Headmistress. Nakarating ang lahat ng yun sa lahat ng mga malalakas na Sericlens.

“What?!”

“Tangina, masamang balita ito panigurado.”

“Tanga ka ba hah, Zigger? Malamang sa malamang.”

“May gusto ka ba sakin hah, Cindy?”

“In your wildest dreams.”

“Stop! We should plan! Hindi pwedeng mapasakamay nila si Safiera!”

Matapos sumigaw si Corrine ay lahat ng paningin nila ay napunta sa isang lalakeng nakatayo at may masamang aura. Zach Guevera.

Nag aantay sila sa magiging reaksyon ng binata. Hindi ito umimik pero biglang nasunong lahat ng pwedeng masunog sa loob ng kwarto na yun.

The Last Three Powerful ImmortalsWhere stories live. Discover now