Safiera's POV
Kumakain ako nang bigla akong tawagin ni mama.
“Anak.”
Tumingala ako tsaka ko tinignan si mama. Everytime I look at her I always feel uneasy.
“Ma?”sagot ko. Biglang lumukot ang noo ko nang may dumaang lungkot sa mga mata niya.
“Huy! Mama ha! Anong problema?”tanong ko. Hindi ako sinagot ni mama. Sa halip ay niyakap niya ako.
“Nak, mag iingat ka ha.” wika niya. Lalo akong nagtaka. Ang weird lang ni mama ngayon ha.
“Wait lang ma, asan nga pala si papa?”tanong ko. Tyempo naman na lumabas si papa mula sa kusina habang may dalang kape.
“Morning anak!”napangiti ako nang batiin ako ni papa. “Morning din pa!” Oh I so live this family! Hinalikan ako ni papa sa noo.
“Hi bunso!”Lalong lumawak ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ng mga nakakatandang kapatid ko. Kambal sina Ate Cameron at Kuya Vryde.
“Hi ate! Hi kuya!”balik bati ko
“Oh hali na kayo, kumain na kayo nang magkaroon kayo ng enirhiya.”wika ni mama, masayang umupo si ate at kuya sa tabi ko. Bigla naman akong nagtaka.
“Ma asan sina Keira at Seliena?” tanong ko.
“Nasa labas pinatawag ko na nga eh.”wika ni ate. Tumango ako bilang sagot.
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin ang panaginip ko. Parang isang panaginip na minsan nang naging totoo. Bigla akong kinilabotan nang mapatingin ako kay ate. Kamukhang kamukha niya si Alison na anak anakan nina mama at papa sa panaginip. But then panatag naman ang loob ko.
Napalingon ako nang may biglang sumigaw. “Break it down yow!! Wazap Safiera!”sigaw ni Keira, napailing ako. Kung ano ang ugali ni Keira sa panaginip ko ay yun din habang si Seliena naman ay tahimik rin.
Habang ako? Maingay ako sa panaginip ko at padalos dalos pero ngayon....well I'm not.
“Ang ingay mo, Keira.”napangisi ako sa sinabi ni Seliena.
“Tangina ninyo! Kumain na nga kayo!”sigaw ko. Agad naman na lumapit silang dalawa.
“Safiera! Diyos ko ang bibig mo nga!”sita sa akin ni mama, ahsus! Kung makasita itong si mama akala mo naman hindi nagmumura.
Kinukwento kaya ni papa na nung teenager pa sila ay sa kanilang magbabarkada si mama ang palaging nagmumura kahit nga ngayon eh nagmumura siya kaso seldon lang.
Nagtaas ako ng tingin nang biglang nagsalita si papa.
“Anak.”
Ano bayan! Uso ba ang pagtawag ng ‘anak’.
“Pa?” tanong ko.
“Summer ngayon pero papasok kayo.”nanlaki ang mata ko. Papasok? Saan? Sa mall? Echos!
“Huh? Saan naman po tito?”tanong ni Keira. Ngumiti si papa bago nagsalita.
“Erra Academy.” muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko. Did I heard it right? Erra Academy?
“Are you okay anak?”hindi ako nakasagot sa tanong ni mama dahil sa gulat.
Taena! Totoo? Erra?
“S-saan po iyan?”tanong ko, matagal bago kumibo si papa kasi parang nag iisip pa siya kung sasabihin niya ba oh hindi.
“Erra Academy is a school where the three of you are capable. I can't explain it right now but when you arrive there, you will know.”makahulugang wika ni papa. Hindi ako nakapagsalita, nagtatakang nakatingin si Seliena habang nakanganga naman si Keira.
“Kailan?” finally nahanap ko na ang boses ko. It's just so shocking to me. Is their a possibility that they are all true, na totoo sina Zach?
“Ngayon.”lahat kami ay napalingon, it's Tito Dern, ang papa ni Seliena.
Nandito sina tita Stell, tita Tafiana, tito Dern at tsaka si tito Royle.
Bigla nagsink in sakin ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Ayokong pumunta roon dahil mamamatay ako.
“No you will not.”napalingon ako kay Ate Camy nang nagtataka. Ano ibig niyang sabihin.
“Stop with that studious conversation, lets eat!”biglang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ko iyon. Kahit nagtataka ako ay isinantabi ko nalang iyon kasi pagkain na ito eh! Food is lifer kaya!
Mataas ang dinning table namin dahil lahat ng barkada nina mama ay dito kumakain tapos sa susunod naman ay doon sa isa naman. Yung parang bukas sa amin kakain ‘tas sa susunod sakanilang Seliena kakain sa susunod naman kila Seliena tapos balik naman sa amin. Ganun!
“So dad, mag eempake kami?”tanong ko. Bigla namang sumingit si Keira. “Duh! Alangan naman. Ano pupunta ka sa academy nang walang dalang damit? Ano yun? Paulit ulit yang damit mo?”sa inis ko ay tinapunan ko siya ng tinapay na kinakain ko.
“Saf ha!”sigaw ni Keira sa akin, tumawa naman silang lahat. As if may nakakatawa. Tangina ito eh!
“Karina, alam mo nakikita ko ang mga sarili natin noong mga kapanahunan natin. Kaugaling kaugali natin sila.”natatawang wika ni tita Tafiana ang mama ni Keira.
“Oo nga eh, lalong lalo na itong si Safiera! Ikaw na ikaw talaga Karina! Mura nang mura parang ikaw. Lahat ata nang ugali mo nasa kanya.”natatawang wika ni Tita Stell.
I rolled my eyes, kung magsalita sila parang wala ako dito.
“Enough with that. Safiera anak, hindi niya kailangan magempake dahil may mga gamit at damit na doon.”wika ni papa. Napatango ako tsaka ko inexcuse ang sarili. Umakyat ako sa kwarto ki tsaka ko kinuha ang kwintas na ibinigay sakin ni mama nung 11th birthday ko. Ang kwintas na yun ay kamukhang kamukha nang kwintas ko sa panaginip.
“You also had also experience that creepy dream?”napatalon ako sa gulat nang magsalita si Seliena at kasama niya si Keira. My forehead knotted as my brow raise. How the hell did she know?
“What?”nagtatakang wika ko.
“Oh come on Safy! Hindi namin alam kung bakit namin nababasa ang iniisip mo! It's just so weird!”Keira exclaimed. Bumusangot ang mukha ko nang tinawag niya akong Safy.
“Tangina ha! Wag mo sabing tawagin mo akong Safy eh! Nakakakilabot ang nickname nayan!”pagmamaktol ko. Nakakainis lang naman!
“Shut up nga! Seryoso ako dito pwede ba.”binalingan namin si Seliena nang tarayan niya kami.
“Ang taray mo parin ah! Pero di nga, nagkaroon din kayo ng panaginip? Ang weird lang ha. Hindi naman totoo iyon eh pero nagtataka ako kung bakit totoo ang Erra Academy.”wika ko. Tumango naman si Seliena at tsaka si Safiera.
May kakaiba sa mga toh! and want to figure it out kung ano ang ibig sabihin nito. Tangina lang!
YOU ARE READING
The Last Three Powerful Immortals
FantasíaWhat will happen? Safiera had that kind of weird dream, even Seliena and Keira Everything she thought would happen will never happen. Another time another story to them. Their feelings are getting stronger and it is invading their whole being.
