[DR] Chapter 24: Reality

36 4 0
                                    

Safiera's POV

"I can heal wounds."wika ni Keira.

What? She can?

"Really?"tanong ko. Tumango naman siya.

"And Seliena can hear far voices. Kahit malayo naririnig niya."nagtaka ako. Kung sila mayroong ability eh ako?

Napaatras ako nang lumiwanag ang likuran ko, she is healing my wound.

"Safiera, hindi ko alam pero ang weird nang feeling ko. I just feel that something is very wrong and I think Headmistress Maraya is weird or something."kumunot ang noo ko sa sinabi ni Keira.

"I know , that's why we need to move. The time is running."sagot ko. Tumango sila. Naglakad ako papuntang dorm.

Hindi ko alam pero nakakaduda, ano ang papel nang batang babae na yun? And what is the intention of the dark shadows? Ano ba!! Naiinis na talaga ako!

Kailangan kung malaman ang lahat, we are running out of time. Naisipan kung puntahan ang bata. Ano nga pangalan nun? Yna? Ylla? Yssa? Ah oo! Yssa.

Nang marating ko ang infirmary ay bumungad sa akin si Yssa na naka ngiti.

"Mama."hindi ko maiwasan na mapangiti. This girl is really something.

"Yssa. Kamusta kana?"tanong ko. Ngumiti ito tsaka niya hinaplos ang mukha ko.

"Ang ganda niyo po pala talaga sa teenage years niyo."wika niya habang hinahaplos ang mukha ko. Ngumiti ako tsaka nagsalita.

"Ahh...Ahm saan kaba nang galing?" tanong ko.

"Sa tummy niyo po mama."sagot niya. Napatawa ako nang pagak. Oo nga naman.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. I mean saang lugar ka galing?"tanong ko ulit sa kanya. Ang cute niya super. Tinitigan ko siya tsaka ko narealize na hindi niya naman kamukha si Jake eh. Iba naman ang kamukha niya. Si ano ang kamukha si---

"Oh shit!"napatayo ako sa gulat. Holy molly! Bakit kamukha niya si Zach? Bakit?

"Mama? Bakit po kayo sumisigaw?"inusenteng tanong niya. Kumalma muna ako bago umupo.

"Saan ka nga galing?"

"Sa future po mama." natahimik ako. Future? So it means may time travel na powers itong anak ko?

"Ha? Sa future? Sino ba mama mo sa future?"tanong ko na naman.

"Ikaw po."sagot niya.

"Eh ang papa mo?"

"Si Daddy Jake nga po."sagot niya. Kumunot noo ko.

"Si Jake? Eh bakit di mo siya kamukha?" sagot ko sa kanya.

"Hindi ki po alam mama."sagot niya. Bumuntong hininga ako tsaka tumayo. Kinarga ko siya.

Naunawaan ko na lahat. Pero tangina! Pabaya ba ang future Safiera? Bakit niya pinapayagan ang anak niyang maglakbay sa ibang oras nang mag isa?

"Halika na baby."wika ko. Tumango siya tsaka kami umalis.

Sa canteen kami nagtungo dahil pakakainin ko ang anak ko. Nang makarating kami sa canteen ay nakita kung kumakain aina Keira at Seliena.

"Saf!"sigaw ni Keira. Napansin kung kasama din nila ang mga Sericlens. Wow close na pala sila?

"Daddy Jake!"nanlaki ang mata ko nang sumigaw si Yssa. Jusmeyo! Nakakahiya itong si Yssa.

"Wow! Daddy mo pala si Jake? Tsaka mama mo si Safiera? Aw edi ikasal na natin sila!"sigaw ni Keira. Napapikit ako. Tangina talaga tong bibig ni Keira.

Lumapit kami tsaka umupo sa tabi nina Keira at Seliena.

"Upo ka muna diyan ha bili muna ako nang pagkain."wika ko. Tumango siya.

"Opo mama."

Nagtungo ako sa counter tsaka bumili nang makakain. Pagbalik ko ay nakadantay na ang ulo ni Yssa sa balikat ni Keira.

"Oh Saf natulog na pala anak mo."bungad sa akin ni Keira. Kinunot ko ang noo ko tsaka sinilip si Yssa, at nang napansin kung hindi naman natutulog ay hinampas ko siya.

"Tumahimik ka nga! Nakakairita yang mukha mo!"sigaw ko. Kami lang ata ang maingay kasi nakatingin lang sila samin.

"Aysus! Nagka anak kalang naging snob kana! Tsaka hoi! Wake up! Wala ka namang anak, at kailan kapa nanganak?!"sagot niya sakin. Hinampas ko siya.

"Tumahimik ka at kakain na kami." wika ko tsaka ako umupo. Katabi ko si Zach kaya medyo nailang pa ako. Pinaupo ko nang maayos si Yssa tsaka pinakain. Habang ako ay nakatititg lang ako sakanya at lahat nang dapat kong marealize ay narealize ko.

Ang katotohanan na ang kalaban namin ay nasa kaparehong lugar lang, hindi ko alam kung bakit ko narealize yun pero nang matitigan ko si Yssa ay yun ang pumasok sa isip ko.

Pati narin ang katotohanang Pumasok sa isip ko na mas lumalim ang nararamdaman ko para kay Zach. Nababaliw na ako sobra.

Tinitigan ko ang may pinto nang mapansin kung may nakatitig sa amin. Hindi ko alam pero tumayo ako at tumakbo papalapit sa taong yun. Sumigaw si Keira.

"Saf!"

Hindi ko siya pinansin nang biglang sumigaw si Zach.

"That's a trap, Safiera!"sigaw ni Zach pero hindi ako nakinig. Nang ma abotan ko ang taong yun ay hinablot ko tsaka ko hinawakan nang mahigpit.

"Sino ka? Anong gusto mong malaman? Kung hindi ka man magsasabi ng totoo ay for how many years ngayon ko lang gagamiti ang pagiging Herishiene ko. Alam mong ano ang kayang gawin ng isang Herishiene so you better tell the truth."seryosong wika ko. Napansin kong napamaang siya.

Pinalakad ko siya haabng hinahawakan ko siya sa kamay tsaka pinalakad papuntang canteen. Nang makapasok kami ay sinalubong agad nila kami kasabay nang pagkaupo ko. Nakapkap ko ang may hita ko na may nakaturok na kutsilyo. Napatingin ako sa babaeng nadakip ko dahil tumawa siya.

"Kung ang inaakala mo maiisahan mo ako ay nagkakamali ka Herishiene. Nakakamatay ang lason sa punyal nayan."tsaka siya tumawa nang sobrang lakas. Natahimik lang siya nang tumawa rin ako nang pagak. Napansin kung inis na inis na ang mukha nilang lahat lalong lalo na si Zach.

Pagkatawa ko nang pagak ay natahimik sila at doon na ako nagsalita.

"May nakalimutan kaba sa sinabi ko kanina? I said Did you forget what a Herishiene can do? Hindi ordinaryo ang dugong dumadaloy sa katawan ko." tumayo ako tsaka ko siya hinawakan. "Kayang kaya kitang patayin nang nakatingin lang sayo oh kahit isang pitik ko lang sa kamay ko patay kana agad."seryosong wika ko.

Nanlamig siya at tsaka napalunok.

"And I could do that Right here, Right now."wika ko tsaka siya binitawan.

"Bitawan niyo yan, hindi yan makakalabas dito kahit sinong pinakamakapangyarihang user ang tutulong sakanya ay hindi kakayanin dahil ako lang ang makakapawalang bisa diyan. Yssa, anak halikana."lumapit sakin si Yssa tsaka nagpakarga.

And now I realized na Katotohanan na ang lahat nang toh and in this reality I am the only key to the door.

And Reality really sucks.

The Last Three Powerful ImmortalsWhere stories live. Discover now