Epilouge

34 6 0
                                    

Safiera's POV

Nandito parin ako sa Infirmary at sina Seliena, Keira at Cindy ang naiwan pinuntahan naman ako ni  mama kanina at kinamusta tapos ay umalis na agad dahil may gagawin pa sila ni papa.

Hindi parin mawala sa sistema ko ang sinabi ni Zach. Anong ibig niyang sabihin? Anong alam na nila?

“Safiera, hindi ka pa ba matutulog?”napatingin ako ng magtanong si Cindy.

“Hindi pa ako inaantok eh.”sagot ko sabay higa ulit tapos upo na naman.

“Confuse?”napatingin ako kay Cindy sabay tango. “Is this again about...Zach?”

Tinitigan ko siya. “Crap! Safiera stop eyeing me! It fucking creeps me out!”

Taka naman akong tinitigan siya ulit. “Nakakaintriga yang mata mo!”sigaw niya kaya napatawa ako.

Baliw

•••••••

Maaga akong nagising kaya napagpasyahan kong maglibot libot muna. While walking iniisip ko kung pano kaya kung hindi ako naging si Safiera at naging Zean ako? Ang saya ko kaya.

“Baliw! Kung ano ano iniisip mo, Safiera.” bulong ko sa aking sarili sabay pukpuk sa ulo ko ng mahina.

Nanlaki ang mata ko nang madapa ako. Shit lang!! Ang Tanga tanga ko! Putang ina! Tanga na nga ako sa love life pati na naman sa paligid at galaw ko.

Napahawak ako sa siko ko. Awww! Ang sakit! Mabuti nalang at mataas ang suot kung pang ibaba. Tumayo ako sabay tingin ng braso ko.

“Ang tanga ko talaga.”wika ko sa sarili ko idagdag mo pang nabaliw na ako. Eh sa kinakausap ko na sarili ko eh!

Napalingon ako ng may biglang humila sa siko ko na bahagya ko namang ikinagulat kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko. Hay! Buhay nga naman.

“Tsk.”hinila niya ako kaya nagsalita na ako. Alangan namang maging pipi ako diba?

“H-hoy! Sa-saan t-tayo pupunta?!”franatic na sigaw ko. Baka ipapatay niya ako dahil nga naiinis siya sa akin.

“Shut up, Freak!”

“Aba! Nagsalita ang mas Freak!”sigaw ko pabalik. Nakakainis ha! Nakakasakit sa ego ko! Tinawag niya akong freak! Pero tama naman Freak din naman ako--Argh! Basta!

Natigilan ako nang papalapit kami sa Greenhouse, naalala ko na naman ang nangyari noon. Yung nasugatan ako tapos natumba ako sakto sa ibabaw niya.

“Tsk, pumasok na tayo Freak.”tinitigan ko siya ng masama tsaka ko binawi ang kamay ko.

“FC ka? Bakit close tayo? Tsaka ang liit lang nito makita pa tayo ng girlfriend mo at baka magkagulo pa.”wika ko tsaka ako tumalikod bigla naman niya akong hinila pabalik.

“Tss.” hinila na niya ako papasok. Kaya wala na akong magagawa. Tska bakit ba ‘tss’ siya ng ‘tss’ tapos minsan ‘tsk’ naman siya ng ‘tsk’.

Kumuha siya ng isang healing potion at tska inilagay sa sugat ko na hindi naman masyadong malaki.

Este Luste Vejar

Napapikit naman ako dahil sa narinig. Ano ba kasi ibig sabihin nun!

“Zach, ano ba ibig sabihin ng Este Luste Vejar?” tanong ko kaya tumingin siya sakin.

“Why do you ask?”tipid na sagot nito. Ngumuso ako. Ang tipid ha!

“Ano nga?”

“tss.”

The Last Three Powerful ImmortalsWhere stories live. Discover now