[DR] Chapter 23: Sudden Attack

38 4 0
                                    

Safiera's POV

Nakabalik na kami sa respective rooms namin, makakasalamuha ko na naman si Cindy.

Pumasok agad ako sa room pero wrong move, nandoon kasi lahat nang Sericlens maliban nalang sa aming tatlo. Si Seliena kasi at Keira ay nasa room na nila.

"Hi Safiera."bati sa akin ni Seirra. Medyo na awkward ako. Ngumiti lang ako.

Papasok na sana ako sa mini bedroom ay tinawag ako ni Corrine.

"It would be rude if you are not included in our little salo-salo....so come Safiera, join us."wika ni Corrine. Ngumiwi ako dahil sa sinabi ni Corrine para akong mawawalan ng hangin. Bullshit!

"A-ah eh matutulog na sana ako kasi inaantok na ako."nauutal na wika ko, humikab hikab pa ako.

"I think you are not."ngumiwi ako sa sinabi ni Trigger. Grr! Nakakainis talaga ang uluga nato! Bwiset panira ng mood!

"It would also be rude if you decline our offer, Safiera."mas lalo akong ngumiwi sa sigunda ni Jake.

"Yeah, yeah."umupo ako sa tabi ni Trigger kasi yun lang naman ang bakante at ang pinakamalas kasi kaharap ko si Zach.

"Okay! Maglaro tayo!"napapalakpak pa si Cindy, sinuway pa nga siya ni Sky.

"What kind of game?"tanong ni Corrine. Nilingon ako ni Cindy tsaka ngumiti nang napakalapad, hindi ko alam pero ang weird lang ni Cindy.

"Truth or Dare."wika niya.

"Tch, ano ba yang laro mo Cindy pambata. Katulad mo bata."nabobored na wika ni Trigger. Nilingon siya ni Cindy tsaka tinapunan nang tsinelas sa mukha.

"Mukha mo! Ulul! Edi wag kang sumali!"namumula ang mukha ni Cindy dahil sa inis.

"Okay. Stop with that maglaro na nga tayo."wika ni Seirra. Ang kalma lang nang pagkakasabi niya. May mali dito eh? Ba't ang bait ni Seirra.

"Okay! So iiikot ko na ang bote!"masiglang wika ni Cindy. At saktong sa akin tumapat ang bote. Napamake face ako dahil sa nangyari.

"Oi! Sige anong sayo? TRUTH or DARE?!?!"sigaw ni Cindy. Napapikit ako dahil sa kaba. Oh Shocks! Ano pipiliin ko?!?!

"Ahm.....Dare?"hindi siguradong tanong ko. Ngumisi naman nang napakalapad si Cindy.

"Hmmm....sige ano kayang maganda i-dare? Ahm kiss mo nga si Jake."nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cindy.

What the hell? Nakakahiya naman itong si Cindy. Namumula ang mukha ko sa hiya habang sinasaway ko siya.

"Cindy nga."nahihiyang wika ko. Para tuloy akong FC.

"Ano ba Cindy! Ang nonsense naman ng dare mo. Ang luma! Parang mukha mo luma!"singit ni Trigger.

"Putang ina mo! Ulol! Fuck you!"natatawa ako sa kanila.

"Watch your mouth, Cindy. Nagmumura ka na naman."saway ni Marc..

"Okay, sige na nga. Saf I dare you to find out everything."seryosong wika ni Cindy. Nangunot ang noo ko. Anong everything everything ang sinasabi niya?

"Huh? Anong ibig---"hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Hindi pa naman ngayon, ahm siguro starting tomorrow?"sagot ni Cindy.

"Okay gooo! Iikot mo na Cindy!"masayang sigaw ni Seirra. Something is really wrong in here.

Nang iikot yun ni Cindy ay tumapat iyon kay Zach. Nag ingay sila maliban lang sa akin at kay Seirra.

"Okay, Kuya Zach. Anong sayo?"tanong ni Cindy

"Tss. Just Truth."matipid na wika ni Zach.

"Okay! Sooo! Ang tanong ko ay What's the score between you and ate Seirra?"tanong ni Cindy. May naramdaman akong masakit. Sa may bandang dibdib ko mahapdi, parang tinutusok.

The Last Three Powerful ImmortalsWhere stories live. Discover now