YOLO
Yea.
You only Live Once.
Takteng kantang to! Paano? Kanina pa ako iyak ng iyak, paano ako makakapag YOLO eh ito na nag eempake na ako ng mga gamit ko, iiwan ko na ang mga kapitbahay, kaibigan at lahat ng alaala ko sa lugar na ‘to.
“Mariestella?! Tapos ka na?” Sigaw ng Mommy sa baba referring dun sa ginawa kong pag eempake.
Ayun na binaggit na ni Mommy 'yong name ko, Mariestella Racal pala, 17yrs.old pero akala ng lahat 13yrs. old pa lang dahil sa pang 13 yrs. old 'yong katawan ko.
“Opo!” I shouted back na lang ngunit nakairap sa sarili.
Hahay buhay, tumayo na nga lang ako at nagdadabog na binitbit ‘yong maleta ko. Ang bigat bigat pa naman. Mas mabigat pa yata sa akin. Ang liit ko pa man din.
“Yan na ba lahat ng gamit mo?” My Dad asked me. Di ko nga sinagot. Tumango lang ako.
Oi, hindi ako malditang bata ha. Nagdadabog lang talaga ako. Sa 17 years kong paninirahan sa lugar na ito, basta basta ko lang lilisanin. Ang sakit-sakit! Alamoyon?
Si Daddy kasi eh nadestino sa Davao. Kaya alsa balutan kami. Sayang daw ‘yong offer kung tatanggihan nya pa. My Dad is an Engineer.
Narinig ko lang kay Mommy. May project daw sila duon kaya need naming sumama dahil matatagalan pa bago matapos. Sabi nya naman, hindi naman daw nila ipagbibili ang bahay namin dito sa Cavite, pamana pa daw kasi ‘yon ng lola at lolo ko sa papa ko.
“Maris, napag usapan na natin to di ba?” Malumanay na saad sa akin ni Mama ng makitang busangot na busangot ‘yong pagmumukha ko.
“Oo na My, nag eemote lang ako.” Saad ko sa mangiyak ngiyak na boses na naman.
“Don’t worry, pag bakasyon balik naman tayo ditto eh” My brother said. ‘Yong architect kong kapatid. Meron pa akong isang kapatid na nakabukod na sa amin. Nag asawa na eh. Tska dun na nanirahan sa America.
“It’s a fresh start naman anak. Dun ka na magka-college.” Kausap pa sa akin ninMommy.
Yon na nga eh, dami dami ko na plan sa pagco-college ko sabay ganun ? Nandito ’yong buhay na gusto ko. Pati mga taong may halaga na din sa akin.
“Bunso sa una lang ’yan okey? Masasanay ka din dun. Ang ganda kaya ng Davao” Pangungumbinsi pa sa akin ni Kuya.
Ano pa nga bang magagawa ko? Kahit naman anong iyak ko eh aalis at aalis pa din naman kami.
BINABASA MO ANG
Better Together - MarNigo
FanfictionMariestella a.k.a Maris believes that music connects people. To her, MUSIC NEVER SLEEPS. Dahil sa pagkadestino ng ama sa ibang lugar para sa susunod na proyekto nito ay walang choice si Maris kundi ang sumama sa boung pamilya nyang pansamantalang ma...