Chapter 30 - Unexpected Jam

1K 29 3
                                    

"Ang tagal nyo naman sa baba?"  Nagtatakang tanong ni Mommy nung tahimik kaming umakyat sa taas bitbit 'yong pinapakuhang mga baso.

After namin maligpit yong mga bubog kanina eh umakyat agad kami. Sobrang awkward. Di ko matingnan ng maayos si Inigo sa sobrang hiya na siguro. Si Fourth naman eh hindi na naimik. Sobrang seryoso na din nya. Mas apektado pa yata sa akin.

Napag-alaman kong nakakatakot din pala si Fourth pag nagseseryoso pero wala pa ring makadadaig kay Inigo sa sobrang kaseryosohan.

Di ko na din pinaalam kay Mommy 'yong pagkabasag ng baso, mumurahin lang kasi naman 'yon.

'Yong tatlong iniwan namin sa taas eh seryosong nanonood ng movie. Hiwahiwalay sila ng upuan. Di nga kami pinansin. Nung tingnan ko naman 'yong palabas eh hindi na How To Train Your Dragon. X-Men yong future past na 'yong pinapanood nila.

"Oh magmeryenda na kayo mga bata. At ako'y bababa na ulit. Tunaw na tuloy 'yong yelo." Mom said.

Hindi pa naman talaga tunaw totally.

Mom cooked carbonara. Specialty nya 'yon eh.

Si Josh naman nun eh nag initiate na salinan ng coke 'yong mga glass.

"Dito na pala ako tatambay para laging may meryenda." Manolo joked.

Si Loisa naman nun eh tinaasan ako ng kilay.

Napansin yata nya 'yong pananahimik nung dalawa na umupo na at nanood na lang ng palabas.. Nagkibit-balikat na lang din ako.

Ayaw ko syang pag-usapan.

Gusto ko syang ibaon sa limot actually.

If only I could.

Kumain naman na din kami after kong magpray. Si mommy eh bumaba na. Maya-maya pa eh humahangos na dumating si Kuya Daniel marahil eh sa pagmamadaling makaakyat.

Natawa na lang ako sa reaksyon ng lahat.

Si Loisa eh napanganga.

Si Josh at Manolo na akmang isusubo na 'yong spaghetti eh natigil.

Si Fourth naman na umiinom lang ng coke eh napatigil din.

Si Inigo?

Wag nyo na itanong.

Expressionless.

As usual self.

Siguro dahil ang macho at pogi talaga ang Kuya ko.

Proud sister here.

Araw-arawin ba naman ang gym?

"Good afternoon guys!" He greeted. Catching his breath. Nasabi siguro ni Mommy na mga may bisita ako kasi naman hindi sya nagulat.

Speechless naman 'yong mga bisita ko. Walang maapuhap sabihin.

"Are we good here?" My brother continued. Pinandilatan ko nga. Sa boses kasi nya eh parang naninindak. Ayan na naman 'yong pagka over protective nya.

Tingnan ba lahat isa-isa 'yong mga lalaki. Nung kay Loisa naman napatigil 'yong tingin nya eh nginitian lang nya.

"Aray. Aray!" Daing ko.

Loisa pinched me.

OMG.

Ang walang hiya!

Kinikilig sya kay Kuya Daniel.

Gross!

Kapatid ko kaya yan.

"Dude, are you real?" Napatangang saad ni Manolo.

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon