Chapter 22 - The Accident

1.2K 28 4
                                    


Oh, this is how it starts, lightning strikes the heart
It goes off like a gun, brighter than the sun
Oh, we could be the stars, falling from the sky
Shining how we want, brighter than the sun

Uggghh.

"Leave me alone." Naglalaway pa na wika ko sa unan.

Nag-aalarm na 'yong cellphone ko sa side table. Pinatay ko nga.

Antok na antok pa 'yong diwa ko.

Pwede bang umabsent?

"Baby girl. Gising na. Idadrop kita sa school nio."  Saad ni Kuya Daniel saka kinatok 'yong pinto.

"Gigising na po!" I said in a husky voice.

Ito napala ko sa pagtulog ng late.

Kamusta naman kaya 'yong isa?

Oh well. Di naman estudyante 'yon.

Ginawa ko naman din 'yong morning ritual ko. AFter makaligo't lahat-lahat eh di pa rin mawala-mawala antok ko. Kahit nga sa sasakyan eh nakatulog ako.

Di naman din ako ginulo ni Kuya Daniel at hinayaan na lang din akong matulog ng biglang nauntog ako sa may salamin ng sasakyan gawa ng biglang pag brake ni Kuya. Buti na lang nakaseatbelt ako. Kung hindi, kawawa naman kung pagmumukha ko 'yong sumubsob.

"Oh come on! That's illegal." Kuya Daniel hissed. Feeling Pissed. Nahampas pa 'yong manibela.

Di tuloy ako makapagreak. Naalog yata utak ko.

Napansin ko naman 'yong dahilan ng biglang pagbrake ni Kuya. May nakaharang na Fortuner sa harapan namin na tingin ko eh nabangga ni Kuya.

Namalayan ko na lang eh nakalabas na pala si Kuya ng sasakyan at pinuntahan 'yong driver ng Fortuner.

Kinabahan tuloy ako bigla. Tska nawala bigla lahat ng antok ko.

Di na rin lang ako bumaba at pinanood ko na lang si Kuya na makipag-away dun sa driver. Minsan ko lang makitang magalit si Kuya Daniel. At sa nakikita ko ngayon. Galit na galit na nga sya.

Naku naman talaga.

Male-late na ako.

'Yon pa talaga pinag-alala ko ano?

Mabuti na nga lang at wala kami sa highway. Kung hindi, cause pa kami ng traffic.

Makikiusisa na sana ako at lalabas na ng sasakyan ng biglang bumaba 'yong driver ng sasakyan.

Hindi lalaki 'yong driver. Kundi, babae.

Hindi ko din naman makita 'yong mukha ng babae dahil nakatalikod sa akin kaya lumabas na lang din ako.

Nagtatalo na sila nun eh.

"What are you doing?!" Narinig ko na saad nung babae na tingin ko eh galit na galit na din.

"I'm calling the police." Kuya Daniel answered. Di ko alam kung totoo or nananakot pero sana nananakot lang. Kawawa naman 'yong babae.

"You can't do that! Look! Im sorry okey?!" Exasparated na wika na nung babae.

"Kuya? Anong nangyayari?" Sabat ko na lang saka lumapit ako kay Kuya Daniel.

Nashock na lang din ako ng makita 'yong babaeng driver.

And I guess. Nagulat din 'yong driver.

"Miss V?!"

***

"Maris?" Miss V said in a shock tone.

"Is this your brother."

"Did you know her?" Magkapanabay pa nilang saad.

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon