Chapter 3 - Josefina Loisa Andalio

2.1K 37 0
                                    

It happened na 'yong nagturo sa akin ng maling direksyon eh kaklase ko pala dahil ng pagkapasok ng pagkapasok ko sa classroom eh sya 'yong una kong nakita pati 'yong mga alepores nya.

"Ooooh, you found the right direction" She flipped her hair sa  maarteng paraan again and then she crossed her arms.

Sayang maganda pa naman. Sama lang ng ugali. 'yong dalawang alepores naman nya eh nakikigaya ng pose nya. Sarap ingudngod sa pader 'yong mga pagmumukha.

"Yes! thanks to you!" I said. **hear the sarcasm**

"Uhhm, excuse me? you're blocking my way." Saad ko sa tonong malumanay lang. Nag give way naman sila nun. 'Yon nga lang, nung dumaan na ako. Pinatid ako at 'yong mukha ko 'yong muntikan ng sumubsob sa semento.

"Oopps, be careful." Narinig ko pa pero 'yong boses eh hnd mo maririnig 'yong concern. Nanunuya ang lintik!

Enhale Maris...

Exhale...

Di yata't mabubully pa ako nito ng wala sa oras.

****

"Oist?" I heard, nung nag angat naman ako ng paningin eh nakita ko 'yong katabi ko sa upuan na ngiting ngiti sa akin. Mukhang ginuine naman 'yong ngiti kaya ginantihan ko din.

"Hi, I'm Josefina Loisa Andalio but pls. call me Loisa" She said at talagang diniinan 'yong please. Ang ganda nya, promise, parang may ibang lahi, kamukha nya 'yong artista sa Agua Bendita, nakalimutan q 'yong name. Basta sya 'yon.

"Hi Loisa" Bati ko. Sa kawalan ng sasabihin. Yon lang nasabi ko. May pagkamahiyain  kasi ako sa una.

"I saw everything happened" She continued dun yata 'yon sa pagpatid sa akin nung malditang babae na 'yon.

"And all I can say, that girl is really a bitch!" Gigil na saad nya na akala mo sya 'yong pinatid kanina.

"Yaan mo 'yon, di na mauulit yon, I'll be careful next time when they're around" Saad ko naman.

"Wag ka na lang lalapit sa grupo nila dahil talagang masasama ang ugali ng mga 'yon." Dagdag pa ni Loisa.

"Na bully din ako ng mga yan pero di nila ako kinaya." Tila proud pa nyang wika.

"Batch q yan sa hayskul eh, Laking Marie Estella mula kinder hanggang ngayon palibhasa mayaman kaya akala nya makukuha nya lahat. That's Nicole Ashton"

So is she the same person napinag-uusapan nung mga lalaki?

"Bago ka lang dito noh?" Patuloy na dakdak ni Loisa. Medyo madaldal din ang isang to. Papasa ng kaibigan ko.

"Yea." I simply answered. Magsasalita pa sana nun si Loisa ng biglang nagsiupuan ang lahat. May prof na pala.

"Good morning! Good morning class!" Bati nung prof namin. Napatanga na lang din ako. Sobrang ganda nya kasi.

Napag alaman kong sya si Miss. Vickie Rushton, prof namin sa Algebra. Naisip ko tuloy  Bagay cla ng Kuya Daniel ko. 'Yon naman, wala kami masyadong ginawa dahil puro introductions yong nangyari.

Ay, nasabi ko na ba? Accountancy pala 'yong course na kinukuha ko. Goodluck sa akin.

After naman ni Miss Vickie eh may dalawa pang sumunod na subjects, ganun pa dn, introduction. After that eh nag breaktime na kami. Wala na sana akong balak bumaba at kumain.

Makikinig na lang sana ako sa ipod ko kaya lang kinukulit ako ni Loisa kaya pinagbigyan ko na din. Sabi naman kasi ni Loisa, 'yong mga kaibigan nya nasa ibang departamento, daya daya daw hindi man lang sya dinamayan sa course nya. Ayaw naman daw kasi nya sa course nya. Masscom daw talaga gusto nya kaya lang gusto syang pag abugaduhin kaya wala na din syang magawa.

Sa Isang oras na kausap ko si Loisa eh nakwento na yata nya lahat sa akin 'yong boung buhay nya. Grabe ang daldal, hindi naman sa nakakainis na paraan, nakakatuwa pa nga eh.

Tawang-tawa na ako sa kwento ni Loisa ng biglang nagkagulo lahat sa cafeteria. Kaya ako naman eh takang-taka.

"Never mind that!" Loisa said. Irritated.

Papano ko hnd papansinin eh ang ingay ingay kaya ng paligid.

"Kapatid ko lang yan, kaya kumain ka na lang. Kain, kain" She said. As if sanay na syang ganito.

"Kapatid mo?" Ulit ko.

"Uo, kaya ayoko ng may dadagdag pa sa pagkabaliw dyan sa Kuya ko. Kaya wag ka dumagdag. Ayoko ko kasing ginagamit lang ako mapalapit lang sa Kuya ko."

Napaisip tuloy ako. Ganun ba ka gwapo 'yong kapatid ni Loisa? Di ko kasi makita. Dami daming nakatayo at nakaharang.

"Ouch" Napadaing na wika ko. Kurutin ba daw ako sa pisngi ni Loisa.

"Ang cute cute mo Maris pag napapaisip!" Gigil na wika pa ng bruha.

Alam ko naman na cute ako. Marami ng nakapagsabi kaya lang masakit pa rin 'yong pinanggigilan ako.

"Bakit sikat ang Kuya mo?" Tanong ko.

"Matalino eh, tsaka presidente un ng student council kaya tinitingala, tska talented na tulad ko" Parang walang anumang saad ni Loisa. Binubuhat 'yong sariling bangko eh. Gusto kong matawa kaya lang baka nakakaloko 'yong dating kaya di ko na tinuloy.

"Ano bang course ng Kuya mo?"

"Architect, senior na." Sagot ni Loisa na kumakain ng walang ka poise poise.

"Teka, bakit ka ba tanong ng tanong?" Anito na napatigil sa pagkain at tinitigan ako.

"Oi, curious lang ako." Defensive na sagot ko. Sa talaga namang curious ako.

"Joke lang, alam ko naman na di mo ako gagamitin para mapalapit lang sa Kuya ko. Mind reader kaya to" Sabi pa.

"Oh my God! I love you Fourth Solomon!"

Seriously? Pinagsisigawan?

"Teka? Solomon?" Nagtatakang tanong ko kay Loisa, ang naalala ko kasi Andalio 'yong gamit na family name na pakilala sa amin ni Loisa eh.

"Mahabang kwento, ano kasi, half brother ko lang sya. Namatay 'yong real father  ni Kuya Fourth then nag-asawa ulit si Mommy which is si Daddy na 'yon" Paliwanag ni Loisa. Mahabang kwento daw. Ikwekwento din pala. May pagkabaliw din ang isang 'to eh.

"Kaya commoner lang ako sa school kasi konti lang nakakaalam kapatid ko sya." Dagdag pa ni Loisa with sadness in her voice.

Kahit papano eh na flattered naman ako kasi nakwekwento sa akin to ni Loisa.

"Tapos ka na?" Loisa asked.

"Lakas mo ding kumain noh? Natawang saad ko ng mapansin 'yong pinagkainan ni Loisa. No wonder she's chubby pero ung chubby na sexy.

"Wag mong pagkakalat yan. Masasakal kita!" Bulong ni Loisa saka nagkatawanan kami.

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon