Chapter 26 - Josh' Revelation

1.1K 35 2
                                    

Umuwi naman din ako agad after submission ng report namin ni Loisa.

I did invite Loisa na pumunta ng bahay dahil daw naman kasi ang boring sa kanila so ayun nagpahatid kami sa driver nila. Himala nga eh. Nasa bahay lang daw 'yong kuya nya.

"Loisa diba bawal 'yong teacher - student relationship sa school?" Wala lang natanong ko lang.

"Uo pero di naman na uso 'yon ngayon marami pa rin suwail." Loisa answered kapagdaka'y biglang syang tumigil at tumingin sa akin sa nanlalaking mga mata.

"Wag mo sabihing kayo na ni Inigo?!" She said loudly. Nahiya tuloy ako kay Manong Kanor na nagdadrive.

"Pinagsasabi mo dyan. Bawal ba magtanong?" Defensive naman na sabi ko.

"Eh ba't ka magtatanong ng ganyan?"

"Eh kasi nakita ko sa Sir Manuel parang may lovers quarrel sila nung studyante nya." Sagot ko naman. Hindi talaga normal 'yong nakita ko kanina eh. Si Sir Manuel eh di naman talaga namin prof. Nakikita ko lang sa school. Napadaan kasi ako sa C.R kanina eh. Nakita ko sila dun na nag-aaway sa gilid.

"Ay naku! yaan mo sila. Buhay nila 'yon."

"Sabagay." I agreed.

"Akala ko naman sa inyo dalawa ni Inigo. Ang advice ko lang, ipagpatuloy nyo lang kung anong meron kayo ni Inigo tutal naman eh temporary lang naman 'yong pagiging music teacher nya sa university. Tska di ba pasado ka sa mommy nya.?" Mahabang dagdag ni Loisa na ewan ko san na naman nya napulot 'tong pinagsasabi nya ngayon.

"Ay naku Loisa! Ayan ka na naman." Reklamo ko. Iniiba talaga usapan eh noh?

"T-teka Manong, pakitigil saglit ng sasakyan" Biglang sabi ni Loisa na ikinapagtaka ko. Magtatanong na sana ako ng mapansin ko naman san nakatingin si Loisa na sinundan ko din ng tingin.

"That hurts." The only words na kumawala sa bibig ko.

Si Josh kasi. Sinampal ng babae.

Sakit nun.

"Babaero kasi." Tanging nasabi lang din ni Loisa.

"Kawawa naman." Dagdag ko pa. Umalis na kasi 'yong babae na galit na galit samantalang si Josh eh sapo-sapo 'yong pisngi na nanatili pa ring nakatayo kung saan sya nasampal.

"Anong kawawa. Karma ang tawag dyan. KARMA." Iritadong sabi pa ni Loisa na kahit ano pa sabihin nya eh naawa pa rin ako kay Josh.

Bumaba na nga lang ako ng sasakyan. Sinubukan pa akong pigilan ni Loisa pero tinuloy ko pa rin 'yong pagbaba.

"Okey ka lang?" Tanong ko sa kawawang Josh na nag-angat naman ng tingin.

"Maris? anong ginagawa mo dito?" Gulat na sabi nya at automatically eh pinagala 'yong mata nya sa paligid. Namataan naman naman nya 'yong sasakyan nina Loisa saka binalik 'yong tingin sa akin. Feeling disappointed.

"I see. Nakita nyo ni Loisa." Tumango tangong wika nya at binaba ulit 'yong tingin. Ashamed.

"Sorry. Sakto lang din kasing napadaan kami." Paliwanag ko naman.

"It's okey. Ganun talaga." He answered at may sinipa-sipang bato.

"Sino 'yon?" I asked dumbly kahit halata namang girlfriend nya 'yon.

"Wala 'yon. Fling lang. Nagalit ng hiniwalayan ko." Saad naman nya. 'Yong hindi sa nagmamayabang na tono kasi nandun 'yong sincerity sa boses nya.

"Ba't mo hiniwalayan?" Di paawat na tanong ko ulit.

"Di ko mahal."

"Eh ba't mo niligawan?" Nainis ng sabi ko. Di pala mahal tapos niliga-ligawan. Parang deserve nya yata 'yong sampal. Ba't pa ba ako bumaba?

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon