Luckily, 10.30am pa 'yong pasok namin ni Loisa kaya matagal kaming nagising.
Di pa nga sana ako gigising kaya lang tawag ng kalikasan kaya napilitan na rin.
Nung tiningnan ko naman 'yong wall clock eh 7.00am pa lang.
Ang aga pa nuh?
Si Loisa, ng tingnan ko eh ayon naghihilik pa sa tabi ko.
Ang ginawa ko na lang eh inayos at binalik sa dresser 'yong mga dress ni Loisa.
"Maris, what are you doing?" Nakapikit pa na tanong sa akin ni Loisa na antok na antok pa 'yong boses.
"Binabalik ko lang sa lalagyan 'yong mga kalat natin." I answered.
Si Loisa naman eh di na sumagot.
"Nakapagpractice ka na ng song mo?" Maya-maya pa eh saad ni Loisa.
Di ko nga alam kung nanaginip to or gising na talaga.
Maya-maya't nagsasalita eh.
"Yeap." I answered.
Nakalimutan nya yatang nagpractice kami kagabi bago natulog.
Nagulat pa ako ng biglang bumangon si Loisa na nakapikit.
Mag-s-sleep walk pa yata. Bumangga pa sya dun sa side table ng kama. Umalog tuloy 'yong lampshade.
"Oi Loisa, ingat ka. Nakakatakot ka naman." Kinakabahang sabi ko.
Bka mamaya eh batuhin na lang ako ng kung ano nito.
"Sira! Gising na ako." Loisa chuckled at pumasok sa CR.
After 5 minutes eh lumabas naman na din at gising na gising na.
Nakapaghilamos na eh.
"Morning Maris." Loisa greeted me.
"Breakfast na tayo sa baba." Yaya nya sabay tumunog pa 'yong tyan nya.
"Oi grabe Loisa! Gumising kalang yata dahil nagutom ka." Kantyaw ko.
"Gutom na talaga ako. Nanaginip ba naman ako nasa isang Island daw ako na punong puno ng pagkain." She laughed at binuksan 'yong pintuan ng kwarto.
Sumunod naman na ako kay Loisa nun. Tapos naman din 'yong ginagawa ko.
Pagkababa namin eh naabutan namin 'yong kapatid nyang nagkakape at busy sa laptop nya.
"Morning Kuya. Wala kang pasok?" Loisa asked at umupo sa hapag sa tapat ni Fourth.
"Yea. mamayang 1pm pa. In charge kami for decoration mamaya sa event." He simply answered sabay tingin sa akin at ngumiti.
"Morning Maris!" Fourth greeted.
Ayan na! Naiilang na ako.
Si Loisa kasi bakit pa sinabi 'yon!
Nginisihan pa ako ng nakakaloko nung tiningnan ko si Loisa.
"Morning F-Fourth" I stuttered.
Lord Jesus. Walang meaning 'yon! Pramis. Di lang ako sanay na ganito.
Nailang lang talaga ako.
"Ay, walang Kuya?" Loisa teased.
Gusto ko tuloy sabunutan 'tong si Loisa kung wala lang sa harap nya 'yong Kuya nya.
'Yong Kuya naman nya eh nangingiti. Ramdam din nya sigurong tinutudyo ako ni Loisa sa kanya.
Juice colored!
BINABASA MO ANG
Better Together - MarNigo
FanfictionMariestella a.k.a Maris believes that music connects people. To her, MUSIC NEVER SLEEPS. Dahil sa pagkadestino ng ama sa ibang lugar para sa susunod na proyekto nito ay walang choice si Maris kundi ang sumama sa boung pamilya nyang pansamantalang ma...