Chapter 15 - I Smell Something Fishy

1.4K 28 10
                                    

"Problema mo Loisa?" Natatawang wika ko ng pumasok si Loisa sa classroom na di maipinta 'yong mukha.

"Bwesit, nakita ko lang naman 'yong kalabang mortal ko."

"Sino?" I asked curiously. Imposible namang si Manolo eh crush nya 'yon.

"Si Josh na mayabang na 'yon. Pinagtripan ako! Sa harap pa ni Manolo!" Gigil na saad nya.

"Josh?" Sounds familiar.

"Si Josh! 'yong lalaking pinalit ni Ate Janey kay Kuya. 'Yong varsity player na kasama ni Manolo"

"Oh eh bakit magkalabang mortal kayo?" Tanong ko ulit, si Loisa naman nun eh umupo dun sa seat nya.

"Ewan ko. Basta pag nakikita ko lang sya eh talagang kumukulo 'yong dugo ko."

Kawawa naman 'yong tao. Walang kamalay-malay may taong galit sa kanya. Sabagay, she had all the reasons to hate him. Pinahiya nga daw sya.

"Easy, Anong ginawa sayo?"

"Pinatid ako Maris! Nadapa ako! Sa harap pa ni Manolo.!" Balik sigaw na naman nya. Nahampas pa nya 'yong desk nya sa asar.

"Are you talking about my Manolo?"

That was Nichole. Nakalimutan namin, obsessed din pala 'tong isa kay Manolo.Maka MY eh. Kala mo sila.

"Hindi, we're talking about Lonoma." Sarkastikong sagot ni Loisa. 'Yong reaksyon naman ni Nichole nun eh Epic. Inulit-ulit binanggit 'yong Lonoma. Hindi gets.

"Bobo talaga." Natawang sabi ni Loisa na bahagyang naibsan 'yong galit dun sa Josh.

"Who's Lonoma?"

Parang tangang tanong ni Nichole.

"It's none of your business." Iritadong sagot ni Loisa.

"Manolo is MINE." Dagdag pa ni Nichole na tila nagbabanta.

Obsessed na nga 'to.

Nakakatakot.

Mabilis naman natapos 'yong araw na di namin namamalayan almost 5 na pala. After ng last klase namin eh nagfinal rehearsal pa kami sa music hall together with Inigo na himalang good mood.

Nagpalakpakan pa kami ng matapos na 'yong rehearsal at nagyakapan bago nagpaalaman. Kinuha naman namin ni Loisa 'yong bag namin sa isang tabi.

Like we had planned yesterday, kela Loisa ako matutulog tonight, tumawag ba naman kagabi sa bahay at pinagpaalam ako kay Mama.

"Hintayin na lang natin si Kuya Fourth Maris ah. Kukunin nya lang 'yong sasakyan. Sa labas na lang tayo ng gate mag-antay"

Tumango naman ako nun. Saka sabay kaming naglakad palabas.

Nung nasa gate naman na kami eh nagdadaldalan na lang kami ni Loisa habang hinihintay 'yong Kuya nya.Tulad namin eh may mangilan-ngilang estudyante na nagsalabasan sa campus.

"Yan na si Kuya!" Biglang sabi ni Loisa ng makitang papalabas na 'yong kulay itim na Montero at tumigil kung saan kami ni Loisa.

Yun nga lang, nang pipihitin na ni Loisa 'yong sasakyan eh may sumulpot sa harapan namin sabay sabing.

"Good timing! Bro pa hits!"

Inalalayan ko naman si Loisa nun, muntikan ba namang matumba. Bastos naman kasi ng taong to.

"Get out!" Parang tigreng sambulat ni Loisa sa pinagsamang inis at galit na rin siguro.

"Oi, piggy dyan ka pala?" Sabi nung guy na I think eh si Josh. Sya din kasi ung nakita ko nung 1st day ko dito sa school. 'Yong kasama ni Manolo.

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon