"Maris anak, gising na." I heard, it was my mom.
"Maya na My, antok pa ako" Tinatamad na wika ko. Antok na antok pa talaga ako. 5am na kami ng madaling araw natulog ni Loisa kagabi. Tinodo talaga 'yong pagpapraktis dun sa audition nya. Dinamay pa talaga ako. Limang oras lang ung tinulog ko. 1pm na ako nakauwi. Pag-uwi ko naman eh nag gigitara pa ako. Di kasi ako maka get over sa audition song ni Loisa kaya tinutugtog ko. Pagsapit naman ng 6pm eh nakatulog na ako.
"Male-late ka na sa klase mo" Dagdag pa ni Mommy.
"Anong male-late, gabi pa nga eh." Nakapikit na wika ko.
"Rise and shine anak, Alas 6 na ng umaga!" Masiglang sabi pa ni mommy sabay tumunog 'yong paghawi nya sa curtain at nagliwanag ang kwarto ko. May araw na!
Really, my mom wasn't kidding. Eh parang tatlong oras lang 'yong tulog ko ah. Nang tiningnan ko naman 'yong oras sa cellphone ko. 6am na talaga.
Meaning, 12 hours akong tulog? Bakit di ako ginising kagabi, di man lang ako pinakain?
"Uhhmm? Di ka na namin ginising dahil ang hirap mong gisingin" Paliwanag ni Mommy ng mabasa 'yong nasa isip ko.
"Well. Thanks" Nasabi ko na lang.
Himala?
Mula yata nung naglipat kami dito sa Davao eh hindi na strict ang parents ko.
***
Lakad takbo na ginawa ko makahabol lang sa first class ko, unfortunately, for the first time in my life eh hindi ako umabot so i decided na tumambay na lang sa library, I sent Loisa a message na sa second subject na lang papasok. Unexpectedly, pagkalikong pagkaliko ko sa hallway papuntang library eh nakaabang ang Nichole and friends. Hindi naman din bago sa akin na hindi sila pumapasok. Sa katunayan, hinayang na hinayang ako sa perang ginagastos ng mga magulang ng mga ito dahil napupunta lang sa wala. Hindi naman kasi pumapasok. Minsan ko lang nakikita. Hindi ko na nga lang sana sila papansinin ng humarang sila sa daraanan ko.
Hindi yata't ako talaga 'yong inaabangan ng mga 'to.
"Excuse me?" Matapang na saad ko. Really? Sa liit ko na to. Ako ba sisindakin nila?
"What's your problem?" Nichole said then raised her eyebrow, Napapagitnaan sya nung mga alepores nya.
"Wait? I don't have a problem." I answered at tumawa ng bahaw. Napapansin ko lang talaga pinag iinitan ako ng mga 'to. Wala naman akong ginagawa. Kundi pa lalapit si Loisa eh di pa ako lulubayan ng mga 'to.
"You do have a problem" Sabi naman nung isa while crossing her arms. Magkasing height kami.
Seriously?
"S-t-a-y a-w-a-y from Manolo!" Si Nichole na iniintimidate ako through her height. Ang tangkad pa man din.
Teka lang ha?
Hindi naman kami close nun. Kung makapagsalita naman 'tong Nichole na 'to eh PARANG inaagaw ko 'yong boyfriend nya. Hindi na nga kami nagkita na nun eh. Paano naman nalaman ng mga to na kilala ako nung Manolo guy na 'yon?
"You bitch! You stay away from Maris!" A familiar voice said. Nakahinga na din ako ng maluwag. Akala ko dudumugin na ako nung tatlo.
Thanks to Loisa.
"Kayong mga bruha kayo, ang lalandi nyo! Idadamay nyo pa si Maris sa kalandian nyo!" Matapang na tanggol sa akin ni Loisa. Napapalingon na lang din ako. Medyo malakas kasi 'yong pagkasabi ni Loisa. Baka ma dean's office kami nito pag nagkataon.
"Ikaw Nichole! Kung makaasta ka naman, kala mo kayo ni Manolo. Kundi pa alam ng lahat. Dakilang stalker ka lang naman nya." Gigil na gigil na dakdak ni Loisa. Hinawakan ko na nga sa braso. Muka na kasing kakainin nya 'yong tatlo. Si Nichole and friends naman nun eh hindi nakaimik. Bahag talaga bunto't nila pag si Loisa nambabasag.
"May araw ka 'rin sa 'kin Loisa." Banta ni Nichole pati tumingin din sa kin sabay naglakad papalayo sa amin. Sumunod naman 'yong mga alepores nya na di kagandahan.
"Sapakin kita dyan eh!" Habol pa ni Loisa with matching action na parang manununtok talaga. May pagka war freak din tong kaibigan ko na 'to eh.
"Awat na oi!" Saway ko kay Loisa.
"ANong ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa klase ka?" Sa halip eh saad ko.
"Napag-utusan ako ni Ma'am Villarin, hahatid ko sana 'to sa dean's office. Eh nakita ko kayo." Loisa answered the i noticed the envelop she's holding.
"Hindi mo na dapat 'yon ginawa, baka mamaya nyan eh balikan ka ng mga 'yon."
"Subukan nila." She said fiercely.
At talagang walang inuurungan 'tong si Loisa.
***
After nung encounter namin nung Nichole and friends eh tinatanong ako ni Loisa about Manolo. Kilala din pala nya 'yon. Ang daming tanong, saan at pano ko daw nakilala si Manolo, so ayun. kinwento ko sa kanya. Himala nga eh. Hindi ako tinawanan. Basta lang parang napapaisip sya. She asked me kung liligawan daw ba ako ni Manolo sasagutin ko ba daw.
"Agad agad?" I joked.
"Hindi 'yong totoo. gwapo naman si Manolo ah. Varsity player. MVP kaya 'yon. Bansag nga nun dito eh Hunky chingky ng Engeneering Department. Dami nga nagkakandarapa dun. Tingnan mo nga 'yong Nichole na 'yon. Nag-aral lang yata para magpapansin kay Manolo."
"Eh kung ikaw na lang kaya magpaligaw dun?" I suggested. Biro lang naman. Kung maka build up naman kasi 'to kay Manolo.
Basta may sinabi na lang si Loisa na di ko narinig. Hindi ko na lang din pinaulit di din naman na ako interesado dun.
BINABASA MO ANG
Better Together - MarNigo
FanfictionMariestella a.k.a Maris believes that music connects people. To her, MUSIC NEVER SLEEPS. Dahil sa pagkadestino ng ama sa ibang lugar para sa susunod na proyekto nito ay walang choice si Maris kundi ang sumama sa boung pamilya nyang pansamantalang ma...