They decided to pick How to Train Your Dragon movie. Nagtalo pa yong dalawa kung ano papanoorin. Sa wakas naman sa huli eh nagkasundo.
Masstress yata ako sa dalawang to.
Nung magsimula naman na yong palabas eh tumahimik na yong dalawa.
Saka ko lang din naalala yong phone ko.
Kinuha ko naman sa center table.
Nung pagtingin ko eh may tatlong message ako.
Yong pinakahuling mensahe eh galing kay Fourth. Tinatanong kung kasama ko si Loisa so I replied a simple Yes.
Yong pangalawa eh kay mommy. Nagtatanong kung iaakyat na ba daw nya ung meryenda sabi ko mamaya na. wala pa man din 3pm.
Yong last eh galing kay..
Inigo?
Fourth's in the house. Just want to remind you tonight's dinner.
Laman ng mensahe.
NAtampal ko pa ung noo ko nun. Mamaya na pala un.
"Loiskie. Nandun daw sa bahay ni Inigo 'yong Kuya mo." Pabibigay alam ko kay LOisa.
"Talaga? Anong ginagawa dun?" Takang tanong ni Loisa.
Josh pressed the paused botton para magkarinigan kami.
"Di ko alam. Di ko naman tinananong." Sabi ko naman.
"Tawagan ko nga. Ok lang papuntahin ko dito si Kuya?" Hinging pahintulot pa nya.
Di pa man din ako nakakasagot eh kausap na nya sa kabilang linya yong Kuya nya.
"Kuya, punta kayo dito kela Maris. Movie tripping kami."
Lagooot.
Ano na lang sasabihin ni Mommy. Dalawa lang kami babae.
Naku talaga magpapaalam muna ako kay Mommy. Bka masampal ako nun.
"Mars, punta daw sila dito."
Sigh.
Ano pa bang magagawa ko?
"Ah sige. Baba muna ako." Paalam ko naman.
Tumango naman ung dalawa.
Pagkababa ko eh si Mommy agad hinahanap ko.
Nakapag-isip na din ako ng idadahilan.
"Magmemeryenda na kayo?" Tanong ni Mommy ng makita ko sa sala nanonood ng tv.
"Ano My. ahmm. May dadating pa kasi na ka teamate namin sa musical na gagawin namin this coming anniversary ng school. Pag-uusapan sana namin ngayon."
"O eh saan na?" Tanong naman agad ni Mommy.
Sakto namang tumunog ung doorbell sa labas.
Dapat kasi di ko na lang sinabi na nasa bahay ni Inigo si Fourth. Napasubo pa tuloy ako.
"Yan na yata sila anak." Nakangiting sabi pa ni Mommy na nagpatiunang naglakad para buksan ung pintuan.
Ako naman eh kagat kagat ung daliri ko habang nakasunod kay Mommy.
Sya din yong nagbukas ng gate habang ako eh nasa likuran ni Mommy.
"Hello po."
Narinig ko si Fourth. I cringed.
"At hindi sinabi ni Mariestella na puro lalaki ulit ang bisita nya." Sabi ni Mommy na kung wala lang yong tatlo eh baka nakurot na ako sa singit.
"Are you the son of Sharmaine and Piolo?" Sabi naman agad ni Mommy na marahil eh nakita na si Inigo.
BINABASA MO ANG
Better Together - MarNigo
FanfictionMariestella a.k.a Maris believes that music connects people. To her, MUSIC NEVER SLEEPS. Dahil sa pagkadestino ng ama sa ibang lugar para sa susunod na proyekto nito ay walang choice si Maris kundi ang sumama sa boung pamilya nyang pansamantalang ma...