Hawak hawak ko pa ‘yong dibdib ko habang naglalakad sa hallway, grabe pala talaga ‘yong kaba ko kanina sa library.
“AHhhhh!” I shouted sabay pumikit ako, may nakabangga ako nung pagkalikong pagkaliko ko sa hallway. Sa matigas na katawan pa talaga ako bumangga. Hindi pa nga ako nakakarecover, isa na namang katangahan!
Juice colored! Ano ba namang buhay ito!
“Hey! It’s you!” Someone said. Pagdilat ko naman eh sobrang nanlaki ‘yong mga mata ko. Kapag sinusundan ka naman talaga ng kamalasan oo!
“Hey it’s you?! Do I know you?” Tangang tanong ko. Tinawanan ba ako.
“Men’s shower room, remember?” He said. At pinaalala pa talaga!
“Ay! di ako ‘yon.” I denied pero natampal ko din ‘yong noo ko. Sa binitawan ko kasing salita eh parang nahuli na din akong nagsisinungaling.
“Oh well, it’s me, so what now?” I told the truth. Kotang kota na din naman ako sa kapalpakan today. Ituloy tuloy ko na lang din, baka sakaling lubayan na ako ni katangahan.
“I’m Manolo Pedrosa.” He said then extended his hand. Honestly, hindi ko enexpect ‘yon.
“Ah, Maris.” Nasabi ko na lang sabay nakipagshake hands na lang din ako. Ang weirdo naman nito.
“Sige, alis na ako ha! May klase pa ako!” Saad ko, di ko na sya inantay magsalita at humakbang na ako.
“Wait! Wait! Not so fast!” Habol pa ni Manolo. Nahawakan pa ‘yong braso ko and I just sighed. May pagkamakulit din ang isang ‘to eh.
“What?” I said irritably.
“Can I have your number?” He said with matching pa cute, ‘yong mata talaga eh! Kung ibang babae siguro ako, hinding hindi ko ito mahihindian but sorry, si Mariestella Racal yata to.
“Nope.” I simply answered popping the “p”.
“Come again?” Wika pa ng lalaki na hindi yata narinig ‘yong simpleng sagot ko.
“Manolo!” Agaw pansin nung tumawag sa likuran ko. Sa pagkarinig ko sa boses na ‘yon eh nanigas ako sa kinatatayuan ko. Boses ‘yon ng lalaki kanina sa library! MayGad!
“Bro!” Sagot naman nun ni Manolo na saglit na nakalimutan ako.
Kilos na Maris! Kilos na! utos ng utak ko. Ilang Segundo din ‘yon bago ako nakilos at nagtatakbo palayo. Narinig ko pa si Manolo nun tinatawag ‘yong name ko.
Bahala ka sa buhay mo!
***
“Anyaree sayo?” Gulat na salubong sa akin ni Loisa ng makitang hinihingal ako naglalakad sa hallway. Pawis na pawis din pati.
“Wala, ano. Nag eexcercise lang!” Palusot ko, ayoko na magkwento sa isang to. Tiyak naman akong pagtatawanan ako nito eh.
“Ikaw, bigla ka kanina nawala ?” Tanong ko habang pinapantay ‘yong paghinga ko.
“Ay uo. Nagkagulo kasi kanina sa may bulletin board eh, nakitingin ako.”
“Ano ba ‘yon?” Curious na tanong ko.
“Sa mga interesado lang sumali sa mga org ng school” Sagot ni Loisa.
“Interesado ka?” I asked, raising my eybrow.
“Oo naman, gusto ko mag audition dun sa Mariesingers. excited na ako!” Tuwang tuwang saad ni Loisa.
“Mariesingers? Ano ‘yon.” Naguguluhang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Better Together - MarNigo
FanfictionMariestella a.k.a Maris believes that music connects people. To her, MUSIC NEVER SLEEPS. Dahil sa pagkadestino ng ama sa ibang lugar para sa susunod na proyekto nito ay walang choice si Maris kundi ang sumama sa boung pamilya nyang pansamantalang ma...