Chapter 17 - She's Making Stories

1.3K 33 1
                                    

So we ended up at Loisa's room after nung exit ni Inigo.

Si Fourth naman nun eh pumasok na sa sariling kwarto at itong si Loisa, kanina pa nag-iingay habang hinahalungkat 'yong mga damit nya sa dresser at pinaglalagay sa kama.

Hindi lang lots meron sya.

She have lot of lots of dresses.

"Seryoso, lahat yan sayo?" Namamanghang sabi ko.

"Bundok na kasi 'yong kama. Bundok na gawa ng mga dress ni Loisa.

"Yeap! Pili ka na!" Loisa clapped her hands excitedly.

Sa sobrang dami naman ata nito eh parang di yata ako makakapili.

"May bagong crush si Kuya!" Sambulat ni Loisa.

Alam ko na 'yon.

Sinabi na nga nya kanina di ba?

Di nga lang nag mention ng name.

"Talaga?" Di interesadong tanong ko. Mas interesado akong mamili ng susuotin bukas kesa magtsismis.

"Yeap! And guess who?"

Pahuhulaan ba sa akin?

"Oi di kami close ng kuya mo." Nakatawang saad ko.

"Bibigyan kita ng clue!"

"Hirit na." Sabi ko.

As if naman kilala ko. :))

"Talented.!"

"Maraming talented sa campus."

"Maganda!"

"Marami din nun sa campus."

"May kaliitan!" Hirit pa rin ni Loisa.

"Buti na lang maliit. Mahirap na kung si Nichole." Nakatawang saad ko. Wala lang. Pumasok lang bigla si Nichole sa isip ko.

"Bespren ko!"

Tiningnan ko naman na si Loisa nun. Alam ko marami syang kaibigan pero di pa nya napapakilala sa akin 'yong original bestfriend nya sa akin.

"Really?!" Excited na wika ko. Mabuti naman at kaibigan pa ni Loisa kesa kung sino-sino lang.

Loisa looks very happy about it. Muka syang tuta na nakatunghay sa akin eh.

"Sino sa mga kaibigan mo?" I added. Gusto ko tuloy makilala.

Si Loisa naman nun eh biglang bumagsak 'yong ekspresyon ng mukha.

Di ko alam kung yon ba 'yon sa sinabi ko.

"Ang hirap makagets. Talaga naman!" Reklamo nya pa. Naguluhan tuloy ako.

"Sino nga kasi?!" Natatawang wika ko na.

Ang hirap kayang manghula.

"Crush ng Kuya ko 'yong nasa harapan ko ngayon!" She shouted at namaywang.

Natulala pa ako nun. Iniisip ko 'yong sinabi nya. Nung nag sink-in naman na eh bigla na lang nanlaki 'yong mata ko.

"Ako?!!" Sigaw ko at tinuro 'yong sarili.

Tumango naman na si Loisa nun ng mabilisan at tila tuwang-tuwa.

"Yeap!"

"Teka, oi teka! Paanong nangyari 'yon?!" Natarantang sabi ko at nawala na sa isip 'yong pagpili ng damit para bukas.

"It just happened. Grabe na sya makatingin kanina sayo eh. Alam mo bang ganyan ganyan sya nuon kay Jane. So I guess totoo 'yong hula ko. Naconfirm ko lang kanina talaga when i teased him having a crush with you." Mahabang paliwanag ni Loisa.

"Oi Loisa! Wag ganyan." I reacted.

Ayokong ma-awkward sa Kuya nya.

Ano ba namaan yan!

"Relax okey! It's just a crush. May thing lang talaga si Kuya sa mga musicians." Nakatawang wika ni Loisa.

Kahit na! nakakahiya na 'yon eh.

"Lamang na lamang ka nga kay Ate Jane eh. Nagustuhan lang naman ni Kuya yon dahil maganda 'yong boses. Aside from that wala na. Eh ikaw? All package na!" Tila proud na proud pa na sabi ni Loisa.

Kung wala lang 'yong crush eh baka nagtatalon na ako sa tuwa sa papuri ni Loisa.

Nabobothered talaga ako.

"And there's 1 thing I noticed kanina nung nasa music room tayo."

"Ano na naman?"

"It's about Inigo. Iba 'yong tingin nya sayo."

"Loisa! Gumagawa ka naman ng storya eh!" Nagpapadyak na saad ko. Lukot na lukot na 'yong mukha ko.

Pinagtitripan na kasi ako ni Loisa.

"Seriously Maris, I am not joking. Totoo talaga.

"Lalong lalo na nung nag piano at nagdrums ka. Alam mo bang titig na titig sya sayo?"

"Hindi ko alam yon at andami dami mong napapansin eh ang daldal mo nga kanina. Imposibleng may ganung ganap kanina."

"Oi di ah! Kahit madaldal ako. Observant naman ako! Nagsasabi talaga ako ng totoo Maris. I swear!" Malakas na sabi nya at nagcross sign pa sa leeg at nag swear sign.

"Oh please. Stop it." I said rolling my eyes.

Alam ko namang may ganda ako pero 'yong sinasabi ni Loisa eh di lang talaga kapani-paniwala.

Hindi naman talaga ako maniniwala eh.

At hinding-hing nya ako mapapaniwala.

***

Finally, Loisa decided to drop the subject dahil busy na kami sa paghahanap ng susuotin para bukas..

I decided to choose the simple one. 'Ang sabi ni Loisa, red ruffle sweetheart knee length daw 'yong name ng napili ko. Sa online pa daw nya binili. Maganda naman sya. Simple lang 'yong dating but elegant.

Si Loisa naman nun eh pinili 'yong tube na dress na kulay blue na fit na fit sa kanya. Litaw na litaw yong kaputian nya eh.

It's past 1am na kami natapos.

We decided na uuwi na lang kami bukas dito para makapagbihis. After naman nun eh sabay kaming humikab ni Loisa.

Namroblema pa tuloy kami.

Di kasi namin alam kung saan kami matutulog.

Kung ibabalik kasi namin 'yong ,mga dress ni Loisa sa dresser nya eh aabutin pa kami ng dalawang oras.

Antok na antok pa naman na kami.


Ang nangyari tuloy eh sa sahig na lang kami natulog.

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon