Chapter 36

1.4K 42 6
                                    

Ahhm..

Awkward?

Wala ni isa man sa amin na nagsalita.

Nailang pareho.

Kami na ba?

Jeskelerd.

Ang landi ko na!

Sabi ko naman dati sa sarili ko, pag tumibok itong birhen na puso ko eh yon na yon.

Mahal ko na kaya talaga si Inigo?

or

Humahanga lang ako sa kanya.?

Hindi pa naman kasi talaga ako nainlove.

Ewan ko ba!.

Sa twing nakikita ko naman sya eh kumakabog yong dibdib ko tska ngayon ko lang din naranasan na maramdaman 'yong parang may mga paro-paro sa tyan mo basta yon!

Sinagot naman nya ako ng Fall for you di ba?

Ano ba lyrics nun nakalimutan ko.

The feeling is mutual ba?

Ganito ba manligaw si Inigo?

Ba't parang ang bilis naman.

Walang ka effort effort eh.

Dinaan lang sa kanta.

Yon nga, when words fail. Music speaks ang strategy nya.

Napasigaw na lang din ako nun bigla ng may humaklit sa baywang ko sa likuran mula dun sa kinauupuan ko.

"Waaaa! Helpppp!" I rattled.

Yong kapatid kong walang hiya ang may salarin. Pinagtatawanan pa ako.

Nilublob ako sa tubig.

Dinig ko pa yong malutong na halakhak ni Kuya at Inigo.

"Kuya ang lameeeegg!"

Malamig talaga. Parang naliligo ka sa yelo sa lamig.

Binitiwan naman na din ako ni Kuya Daniel.

Binitiwan nga ako.

Dun pa banda sa di ko matingkad ang  tubig.

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon