"Here comes meryenda!" Si Mommy na nakita kong nahihirapang nagbitbit ng tray so ako naman nun eh agad lumabas dun sa studio room at sinalubong si Mommy.
"Tita kami na po." Di ko namalayang nakasunod pala sina Fourth at Inigo sa akin so imbes na ako ang kukuha ng tray eh sinalo nung dalawa.
"Meron pa sa baba My?" I asked instead.
"Yes, nandun pa yong mga glass." Mom answered.
"Ako na po kukuha." I volunteered.
"Sabayan na kita Maris." Fourth offered.
"No! ako na lang." Napataas ang boses na sabi ni Inigo. We stared at him in wonder.
Kelangan talaga magtaas ng boses.?
"I-I mean, makikiinom sana din ako ng tubig." Sabi naman nya in a slang tone ng makita 'yong mga reaksyon namin.
"Ako din." Di paawat na sabi din ni Fourth.
"Pwede naman na kayo bumaba sabay sabay. Hindi kylangang mag-agawan." Sabat ni Mommy sa pabirong pagkasabi.
Yon din sana kasi sasabihin ko.
Di ko alam or ako lang. Parang namula yong dalawa sa sinabi ni mommy.
Nahiya yata.
"Loiskie, baba muna kami kunin namin yong glass." Paalam ko sa kaibigan na mula pagdating ni Manolo eh di ko na narinig nagsalita.
"Sama ako." Napatayong sabi ni Loisa. Hindi na siguro nakayanan yong awkwardness.
"Ay wag na! Balik naman kami agad." Pigil ko pa.
"Eh." Nag-aalangan pa nyang sabi. Nung napatingin naman sya kay Mommy eh umupo din naman ulit.
"Ladies first." Gentleman na sabi ni Fourth na kala mo prinsesa ako.
"Grabe." Natatawang sabi ko.
Nagpatiuna naman din ako nun. Saka sumunod si Fourth at Inigo.
Naobserve ko naman nawala na yong hiya ko kay Fourth. Si Inigo naman eh napag-alaman kong mas maingay sya pag kami lang dalawa or hindi masyado marami 'yong tao. Parang ang ilap ilap at sobrang strict kasi nya pag maraming tao. Dinaig pa si Daddy at Kuya sa pagkastrict pero kahit papano naman eh napapangiti ako.
At least di ba?
Nakita ko na yong other side nya.
Ang mahal kaya ng tawa nya.
Dumeretso naman kami sa kusina nun pagkababang pagkababa namin.
Nagtaka pa ako dahil nawala si Inigo.
"Si Inigo?" Nagtatakang tanong ko kay Fourth habang kumukuha ng malamig na tubig sa fridge.
"Tubig oh." Alok ko kay Fourth. Nagpasalamat naman na sya nun.
"Teka lang ha." Paalam ko.
San na ba kasi nagsuot 'yong si Inigo?
Nakita ko naman sya sa living room. Nakatalikod sa akin na parang may tinitingnan.
He's laughing base na rin sa pagyugyog ng magkabilang balikat nya.
Nacurious tuloy ako.
"Inigo?" Tawag ko.
He turned from my direction.
And I saw what he was holding and my eyes bulged out from its socket ng makita ko 'yong tinitingnan nya.
BINABASA MO ANG
Better Together - MarNigo
FanfictionMariestella a.k.a Maris believes that music connects people. To her, MUSIC NEVER SLEEPS. Dahil sa pagkadestino ng ama sa ibang lugar para sa susunod na proyekto nito ay walang choice si Maris kundi ang sumama sa boung pamilya nyang pansamantalang ma...