Chapter 6 - Meet Loisa's Brother

1.7K 26 7
                                    

Sa boung maghapon namin sa bahay nila Loisa eh tambay lang kami sa kwarto nya. Pati pagdating sa pagkain eh pinapahatid na lang din nya sa kwarto. Tinatanong ko sa kanya kung nanjan kuya nya sagot naman nya wala daw at may meeting sa school.

Sa totoo lang sa isang bwan ko sa university eh di ko pa nakikita kapatid nito. Lagi lang napag-uusapan sa classroom. Sabi naman ni Loisa di ko ba daw nakita 'yong malaking frame nila ng Kuya nya nakasabit sa dingding kanina sa baba. Wala akong napansin eh.

Ayun naman, nanuod lang kami ng movie, pinanood namin 'yong Peemak grabe tawanan namin halos magsakalan na kami ni Loisa sa kakatawa hanggang di namin namalayan eh nakatulog na pala kami.

"Baboy, gising na. Dinner's ready." Narinig ko sa nanlalambing na boses pero di ko pinansin, ayaw pang dumilat ng mata ko. Tiyak naman akong si Loisa ginigising nito. Ito na yata 'yong Kuya nya. Balot na balot ako sa kumot grabe kasi ang lakas ng aircon sa kwarto ni Loisa.

Naramdaman ko na lang lumundo 'yong kama at tinapik tapik ako sa may bandang pwetan ng di pa makontento eh humiga sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Nanlaki lang 'yong mata ko. Gusto ko tuloy magsisigaw kaya lang nakakahiya kaya mas minabuti ko na lang magtulog-tulugan habang kagat kagat ang dila ko. Nakatagilid kasi ako kaya di kita 'yong mukha.

Loisa! Saan kana?

Kung kanina antok na antok 'yong diwa ko. Ngayon sobrang natataranta na. Ito na yata ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. First time may nakayakap sa akin na lalaki!

"Gising na baboy" Sabi pa ulit. Kinurot ako sa pisngi habang nakatakip pa rin 'yong kumot sa akin. Pikit na pikit 'yong mata ko. Grabe na ito! Wag lang sana nyang baklasin 'yong kumot kundi magpapakamatay na ako!

Oh God. Help me. San na si Loisa?

"Kuya Fourth what are you doing?" I heard from the background. Thanks God. It was Loisa. Inosenteng inosente pa 'yong pagkakatanong.

"What the!" Narinig ko na lang ulit sabay biglang gumalaw ulit 'yong kama. Umalis na siguro.

"Who's this?!" Pasinghal na tanong ng anonymous brother ni Loisa. Gulat na gulat yata. Kung sa iba lang siguro 'to nangyari. Tawang-tawa na siguro ako. Kaya lang pinagtitripan talaga ako ng tadhana eh at sa akin pa nangyari.

"Sshshhh! She's sleeping" Loisa whispered pero dinig ko naman.

Gising na gising na ako bruha ka!

"Labas ka muna" Loisa shooed her brother. Sabay narinig ko na lang 'yong pagbukas at pagsara nung pintuan.

I continued pretending to be asleep kahit wala na 'yong kapatid nya when Loisa broke the silence.

"Oist, alam ko gising ka" Saad ni Loisa at tinapik ako sa balikat. Kaya napilitan na lang din akong bumangon at inalis 'yong kumot.

"Waaaa Loisa! Nakakahiya 'yon." Biglang tili ko ng maalala 'yong nangyari kanina. Nakakahiya talaga! Tumayo pa ako at parang batang nagtatalon dun sa kama.

"Haha, tawang-tawa nga ako sa posisyon ni Kuya Fourth kanina eh, kala ko hinahalikan ka nya, nung biglang umalis balot na balot ka pala sa kumot." Sabi ba naman. Pinagtawanan pa nga

.

"Muka kang tanga dyan sa ginagawa mo, tara na sa baba kain na daw tayo." Yaya ni Loisa. So ganun na lang? Parang walang nangyari? Sarap din sabunutan ni Loisa eh noh?

"Ayoko bumaba! Dyan 'yong kuya mo!" Natatarantang wika ko.

Sa kwarto mo nalang ako forever!

"Sira, magkikita at magkikita din naman kayo, wag ka na matakot, pramis mabait si Kuya Fourth" She continued.

As if I care.

"Loisa ehhh" Tila batang saad ko at talon pa din ng talon sa kama.

"Halika na kasi OA nito!" Pangungulit ni Loisa at  biglang hinawakan 'yong kamay ko sabay hinila pababa sa kama at kinaladkad ako palabas ng kwarto nya.

"Loisa!" Pigil ko pa. Hindi pa ako nakakapagsuklay! may muta pa nga yata ako.

"Kuya Fourth! Bestfriend ko nga pala! Si Maris" Loisa introduced me to her brother na nakaabang pala sa may pintuan. Narinig kaya nya tantrums ko?

Juice colored! Kill me now!

Mas lalo ko pa tuloy tinakip 'yong mukha ko sa mahaba kong buhok.  Di bale ng magmukha akong si Sadaku, but I don't really have a choice kundi mag-angat ng tingin. Isasalba ko na lang 'yong pride ko.

"Good evening Sir." I said awkwardly. At  binaba ko agad 'yong tingin sa sahig.

Di ko na kaya to.

"Parang tanga to!" Loisa reacted sabay binatukan ako saka tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Aray." I hissed sabay hawak sa nasaktang parte. Brutal talaga tong babae na to. Masakit 'yon ah.

"Anong Sir? Hindi ko naman tatay yan. KUYA ko yan." Diin ni Loisa sa salitang kuya. OA naman din kasi 'yong bati ko.

"Sorry." Napahiyang wika ko na lang. Nakatungo pa rin. Kung ikaw kaya sa posisyon ko, makakapag-isip ka pa kaya? Tumingin naman na ulit ako sa kuya nya nun na nakatingin din pala sa akin. Hindi ko alam or guni-guni ko lang yata. Nakangiti kasi sa akin. Tingin ko lang din naman.

Ngumiti na nga lang ako ng hilaw.

*****
"Kuya, mag au-audition ako ah!" Loisa interrupted sa pagkain namin ng tahimik.

"No problem." Tipid na sagot nung Kuya nya samantalang ako eh hindi makakain ng maayos. Magkatapat kami ni Loisa sa hapag, yong Kuya naman nya eh nandun sa dulo. 'Yong inuupuan ng mga tatay. Basta, alam nyo na 'yon.

"Ipasa mo ako ah!" Daldal ni Loisa. Nabalitaan ko Kuya nya din pala isa sa  magjujudge sa audition thingy na yan. According to Loisa lang din naman.

"It depends." He answered.

Alam nyo 'yong gustong gusto mong titigan ang isang tao pero di mo magawa? There's no reason naman din para titigan ko sya. Mapagkamalan pa ako ni Loisa na may pagnanasa sa kapatid nya. No thanks. He's too old for me.

Ano daw?

"Samahan mo kami ni Maris sa music room Kuya Fourth, magpapraktis ako kunyari kayo dalawa audience ko." Loisa continued. Gawin pa kaming tao-tao nito.

"Sorry sis, but i have plans tonight. Kaya mo yan." He replied while chewing the food.

"Ganyan ka naman" Nagtatampong wika ni Loisa na nginitian lang din ng kuya nya.

Ang cute nila magkapatid. Mahahalata mong close sila sa isa't-isa.

****

Hindi na to MariFourth! MaÑigo na to. hahah! It's not too late though. 

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon