Chapter 8 - Trust Me

1.6K 26 2
                                    

"Kinakabahan ako Maris!" Namumutlang wika ni Loisa. Nanlalamig pa nga 'yong kamay nung humawak sa'kin.

"Relax Loisa! You can do it." Pampalakas loob na sagot ko.

Today is the day na ng audition ni Loisa. Halfday lahat ang Meriestellers for the said audition, club signing and others. Kami naman ni Loisa eh nasa Music Hall  kung saan dun sa loob magaganap 'yong audition ng Mariesingers. Nadaanan pa namin si Nichole na nasa Dance hall naman na katabi lang ilang dipa ang layo sa Music hall. Ngumiti pa sa amin ng nakakaloko. Napag-alaman kong dancer pala 'yon. At cheerleader captain pa nga daw nung hayskul. Akala ko sa ibang bansa lang uso 'yong mga cheerleader na kasing ugali ni Nichole. Akalain mong dito din pala?

"Kung si Kuya Fourth at Ate Janey lang hindi ako kakabahan ng ganito pero mag-amang Pascual na yan Maris!" 

"Ha? sino 'yon?" Tanong ko, feeling confused. 'Yong Janey na nabanggit eh kilala ko na 'yon. Isa daw sa officers ng Mariesingers, pero 'yong mag-amang binanggit nya eh wala akong idea.

"Jusko naman na Maris laking Maynila ka pero di mo kilala si Piolo Pascual pati 'yong anak nyang si Iñigo?" Loisa reacted. Eksaherada nga eh.

"Nandito si Piolo?" Gulat na tanong ko sabay nanlaki 'yong mata ko. Paanong napunta dito si Piolo?

"Oo. Di ko ba nasabi sayo? Pinsan nya may-ari ng university kaya naman di kataka-takang pinakasikat 'to na school sa boung Davao." Loisa whispered as if she delivered some gossips.

"Di nga?" Di makapaniwalang tanong ko. Mamaya eh pinagtitripan lang ako nito eh.

"Sira ulo ka din noh?" Sa halip eh sagot ni Loisa sa akin. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Piolo Pascual? Sikat kaya 'yon na actor at musikero pero 'yong anak eh di ko nakikilala.

"Dito din ba yan nag-aaral si Iñigo?" Interesadong tanong ko. Wala din naman kasi akong naririnig na pangalan ni Iñigo sa tinagal-tagal ko dito sa university.

"Hindi, pero madalas yan dito. Isa kasi sya sa trainor ng Mariesingers. Manang-mana sa ama. Nung nagpa-ulan si Lord eh nakuha nya lahat ng biyaya. Tingnan mo naman mas madaming pang nakikiusyoso kesa sa mag-aauditon yata" Mahabang saad ni Loisa sabay tinuro-turo 'yong mga kapwa estudyante naming nakisiksik na.

"Sige na, mamaya na natin sila pag-usapan. Pumasok ka na lang dun para maihanda na 'yong audition piece mo." Taboy ko kay Loisa. Pinapapasok na kasi 'yong mga auditionees para makapagprepara na. Naglakad naman na si Loisa nun.

"Loisa!" Habol ko.

"Break a leg!" Natatawang wika ko at umaktong puputulin 'yong leeg ko. Si Loisa naman nun eh natawa at ginantihan ako ng kaway.

May tiwala naman ako sa kakayahan ni Loisa. May boses naman talaga at kaya ding makipagsabayan sa sayaw. Sana alam nya 'yon :D

Tumambay na lang din ako sa labas ng Social hall habang nagmamasid sa paligid, narinig ko na lang din may nag-aannounce na dun sa loob ng music hall. Aantayin ko na lang din si Loisa. Alphabetical naman daw 'yong proseso ng Audition eh. Eh Andalio yon. Baka unang tawagin.

Mag-iikot-ikot na lang sana ako at ihahakbang ko na 'yong paa ko ng makita ko si Loisa na mangiyak-ngiyak lumabas dun sa music room habang bitbit 'yong ipod nya.

Paano?

"Anong nangyari?" I said nervously parang ang bilis naman natapos 'yong audition ni Loisa eh wala pang 3 minutes. May result na ba agad? Hindi pumasa si Loisa?

"Nabura lahat 'yong songs sa ipod ko." Naluluhang paliwanag sa akin ni Loisa.

"Paanong nabura?" Napalakas ang boses na sabi ko.

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon