Chapter 21 - We're Actually Neighbors

1.2K 32 12
                                    

Flashback...

I saw Piolo Pascual in person..

I met his son..

I met his wife..

We are in the same village..

What shocked me the most?

We're actually neighbors.

KILL ME NOW.

I still can't believe it.

Nung tinuro ko kasi kay Inigo 'yong directions ng bahay namin eh biglang tumawa sya ng tumawa na halos maluha-luha na. muntikan pa kaming bumangga dun sa gate ng isa sa mga bahay ng village.

I find it weird.

Ngayon ko lang kasi din sya nakitang ganun tumawa.

'Yon na nga. Magkapitbahay kami. >c

How's that?

Isn't it surprising?

Kaya naman pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay eh nagsisigaw ako.

"Mommy!"

"Mommy!"

"May sunog ba?!" Natatarantang wika ni Mommy na biglang sumulpot galing kusina na may bitbit pang gunting.

"Tungek! Wala!" Natawang anas ko.

"Ano yan My?" I asked her instead ng makitang may pinagkakaabalahan sya sa table. Nawala tuloy sa isip ko 'yong dapat ibabalita ko kay Mommy.

"Tatahiin ko lang sana 'yong paborito kong damit pangsimba. Di ko alam san sumabit to." Anito at may kung ano-anong ginawa.

"Syanga pala Maris. Iniimbitahan tayo ng kapitbahay natin magsimba. Sama ka. Isasama din daw nila 'yong anak nya." She added na busy pa rin sa ginagawa.

"San na kapitbahay My?" Tanong ko na medyo kinakabahan.

"Dyan kina Sharmaine. Alam mo anak ang bait nun."

Sabi ko na eh. May kutob na ako.

"As in Sharmaine Pascual?" Naniniguradong tanong ko. Sa dami ba namang kapitbahay?

"Kilala mo?"

"My hindi mo ba alam? Asawa nya si Piolo Pascual.!" Nanlalaking ang matang sabi ko pa.

"Sino yon?" Parang timang na tanong ni Mommy.

"Ano ba yan! 'Yong actor/singer sa Abs."

"Di nga?" Tila wala sa sariling tanong pa ni Mommy.

"Yea. Ngayon ko lang din nalaman. Music teacher kasi 'yong anak nya sa school namin."

"Aba! May kapitbahay pala tayong sikat. Ipagkakalat natin yan sa mga kakilala natin sa Manila." My mom said excitedly.

"Ayan. tsismis ka na naman." Nakangiwing sabi ko.

"I was only joking. Anyways, matagal ko ng alam na kapitbahay natin eh 'yong actor at singer na si Piolo Pascual. Matagal ko ng sinsasabi yan sayo. Ikaw tong walang pakialam."

"Di nga?!" Ako naman 'yong napasigaw.

Bakit wala akong matandaan?

Baka kasi 'yong time na 'yon nagsisente ako dahil di ko pa matanggap na naglipat bahay kami.

"Sige My. Akyat na ako sa taas." Paalam ko na lang. Kala ko matutuwa si Mommy. Yon pala. Matagal na nyang alam.

"Kumain ka na?" Pahabol ni Mommy habang papaakyat ako ng hagdan.

Better Together - MarNigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon