Chap. 6

9.9K 289 14
                                    

Chap. 6 TRAGEDY

Ilang araw na nagkulong sa loob ng bahay si Lilac. Pinipilit n’yang baguhin ang sarili. Naisipan n’yang pumunta sa bahay ng kanyang magulang.

Nang dumating s’ya, nakatayo sa may pintuan ang kanyang ama’t ina. Pagkababa pa lamang ni Lilac sa pinto ay napatakbo s’ya sa kanyang ama’t ina at napayakap.

“Dad, I lost him. But don’t worry I’m okay.” Bulong ni Lilac sa ama. Alam ng ama na nasasaktan parin si Lilac sa nangyayari sa buhay n’ya.

“Lilac, hindi lahat ay nakukuha mo..minsan nawawala talaga kahit ayaw mong pakawalan. Don’t pretend infront of me..if you want to cry..show it.” Kasabay noon, ay naramdaman ng ama ang luha ng anak na pumatak sa balikat nito.

Pati ang ina ay napapaiyak sa anak nito.

BEEEP BEEEP BEEEP...

Dumating ang mga magulang ni Indigo.

Napalingon si Lilac..

Unang lumabas ang ina ni Indigo sa kotse at tumakbo kay Lilac..

“Lilac.. sorry...We don’t want this to happen. Anak, ako na lang ang hihingi ng patawad sa ‘yo. Matigas lang talaga si Indigo..” Halos hindi maunawaan ni Lilac ang sinasabi ng ina ni Indigo.

“Mom, tama na po. Tapos na eh. Wala na tayong magagawa. Desisyon din po namin ito.” Sagot ni Lilac.

Lumapit din ang ama ni Indigo at niyakap si Lilac.

“Kung kami lang ang masusunod..ikaw parin ang pipiliin namin Lilac.” Sabi ng ama ni Indigo.

“Walang magbabago Lilac, you’re always welcome in our family. Pamilya ka parin namin. Kahit wala na kayo ni Indigo..Kapamilya ka parin namin.” Sabay yakap muli ng ina ni Indigo.

Lumapit ang ama ni Indigo sa mga magulang ni Lilac.

“Pare, kami na ang humihingi ng pasensya. Nahihiya kami ng asawa ko sa nangyari sa dalawa. Masasabi kong kasalanan ko dahil pinilit namin si Igo.” Sabi ng ama ni Indigo.

“Kasalanan ko rin dahil sinunod ko ang nais ni Lilac, kahit alam kong walang nararamdaman si Indigo kay Lilac. Mahal lang talaga ng anak ko ang anak mo.” Dugtong na sinabi ng ama ni LILAC.

“Dad, tama na po. Wala kayong mga kasalanan. AKO ANG MAY MALI DITO. AKO ANG MAY KAGUSTUHAN NITO. AKO ANG SUMIKSIK SA SARILI KO.

 Dad, ginawa mo lang naman na ipagkasundo ako kay Igo dahil mahal mo ako. Gusto mong ibigay ang bagay na makapaligaya sa akin.

 Tito, ginawa n’yo lang naman ‘yon na ipagkasundo si Igo sa akin, dahil alam n’yong mahal ko si Igo noon pa man. At naniniwala kayo na pwedeng magbago ang lahat kay Igo. Pero hindi. Ginawa n’yo ‘yon dahil alam n’yong may nagmamahal sa anak ninyo ng totoo..Kaya h’wag n’yong sisihin ang sarili n’yo.”

Tumalikod si Lilac, at tinungo ang kanyang silid.

----------------------------------------

Pagkaraan ng ilang araw, abala si Indigo na tinatapos ang lahat ng trabaho sa opisina.

INDIGO’S POV

I need to finish this work within this week. Kailangan makaalis agad kami ni Vanessa papuntang abroad. Habang nandito ako, lalong mahihirapan si Lilac na makapag-move on.

I hope sa pagbalik ko, maayos na ang lahat para sa kanya. At kung muli kaming magkita..sana hindi na babalik ang dati...mapatawad nya ako sa mga ginawa ko sa kanya.

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon