Chap. 10
Pinatawag ni Gabriel si Edwardo.
“Ed, meron akong ipapagawa sa ‘yo. Alamin mo ang tungkol sa babaeng nagngangalang LILAC VILLAVISTE. Dati s’yang nag-aaral sa Wattapad University. Kaibigan s’ya ni Kuya Galvin. Gusto kong alamin mo kung nasaan na s’ya ngayon.”
Utos ni Gabriel. Gusto n’yang makasigurado kung si Lilac na nga ang babaeng kasama ng mag-asawa.
“Okay, pupuntahan ko. Gabby, kumusta nga pala si Celeste?” Biglang natanong ni Edwardo.
“Wala namang problema. Napagod lang siguro s’ya sa kanyang trabaho.” - Gabriel
“Bakit mo naman pinapahanap itong LILAC VILLAVISTE?” Muling tanong ni Edwardo.
“Maaring makakatulong s’ya na mahanap ko si Vanessa.” - Gabriel
“Gabby, matagal na ‘yon.” -Edwardo
“Matagal? Huh! Hindi ganun kadali na malimutan ang trahedyang ‘yon. Gayung malaya si Vanessa na gumagala.” -Gabriel
“Bakit hindi mo nalang isumbong sa pulis?” - Edwardo
“Ayaw ko. AKO ANG MAGPAPARUSA SA KANYA.” Masamang titig ang ibinigay ni Gabriel kay Edwardo.
“H’wag ka ngang hangal! Paano kung mapapahamak ka?”
“Ha ha ha ha ha...bakit may ilalaban pa kaya s’ya sa akin? Hawak ko ang hacienda nila. Kung tutuusin wala na ngang matitirahan ang kanyang ama. Dahil ang mansyon na nakatirik sa hacienda Andremante ay akin na! Wala akong pakialam kung saan mapupunta ang may sakit n’yang ama. Kulang pa ang mga bagay na ‘yon. Hindi maibabalik ang buhay ni Kuya.”
Galit ang makikita sa reaksyon ni Gabriel.
Umiling na lamang si Edwardo.
GABRIEL’S POV
Hindi ko sasabihin muna kay Edwardo kung bakit ipapahanap ko sa kanya si Lilac Villaviste. Gusto kong makaipon ng impormasyon baka sakali malaman ko kung nasaan si Vanessa. Alam kong magtatagpo muli ang aming landas ng babaeng ‘yon. Sisiguraduhin kong BABAGSAK S’YA SA LUPA.
LILAC’S POV
Sumasakit parin ang ulo ko. Bakit ba umiba ang pakiramdam ko kanina matapos kong makita ang mga lalaking ‘yon? Lalo na ang lalaking may PILAT sa mukha. Para bang may pilit pumapasok sa isipan ko na hindi ko mawari. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang wala akong naaalala sa aking nakaraan. May sakit ba ako?
----------------------------------
Dumaan ang mga araw, naging maayos naman ang buhay ni Lilac sa loob ng hacienda. Habang patuloy ring sinusubaybayan nina Aling Alicia at Mang Minong si Lilac sa mga kinikilos nito.
“Gabby, nakakuha ako ng impormasyon. Si Lilac Villaviste ay anak ng isang negosyante na nagmamay-ari ng pinakamalaking RUBBER TRACK SUPPLIERS dito sa bansa. Ayon sa informer, si Lilac Villaviste ay PATAY NA. Namatay raw sa isang car accident.”
-Edwardo
“Ganun ba. Kailan naman daw namatay?” -Gabriel
“Mga dalawang buwan na ang nakalipas.” - Edwardo
“Sinabi ba sa ‘yo kung saan ang pinangyarihan ng aksidente?” - Gabriel
“Sabi ng informer, nasa labas ng bayan ng Assuncion natagpuan ang kotse. At sumabog raw ito. Natagpuan naman ang kanyang bangkay sa di kalayuan ng pinangyarihan.”
-Edwardo
“Okay, salamat Ed.” Ngumiti si Gabriel kay Edwardo...isang matamis na ngiti. Pakiramdam ni Edwardo tumigil ang kanyang mundo. Minsan lamang ngingiti si Gabriel sa kanya ng ganun.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomanceFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...