Chap. 29

7.5K 249 10
                                    

Masarap ang tulog ni Indigo. Pakiramdam n’ya ay nasa duyan s’ya. Kahit nakapikit ang kanyang mga mata alam n’yang pagdilat n’ya ay nasa tabi n’ya parin si Lilac.

Gumalaw si Indigo upang yakapin si Lilac..ngunit..

Wala s’yang mahawakan...Biglang dumilat ang kanyang mga mata.

Tanging ang liwanag lamang ng lamp shade ang nagsisilbing ilaw sa loob ng silid. Agad s’yang napabangon. Tinignan n’ya ang orasan sa dingding..

“ 6:00 A. M. ”

Ginala ni Indigo ang kanyang mga mata. Wala s’yang nakitang anino ni Lilac. Agad s’yang tumayo at tinungo ang banyo. Agad n’yang binuksan ang pinto..NGUNIT WALA SI LILAC.

Tumunog ang kanyang cell phone..

KRINGGGG KRINNGGGGG...

Agad tinanggap ni Indigo ang tawag sa pag-aakalang si Lilac ang tumatawag.. ngunit hindi pala. Walang iba kundi ang kanyang AMA.

( Igo, nasaan ka? Kagabi ka pa hinahanap ni Vanessa. )

“Ahmmmm..nandito po ako sa Hotel. Napadami ang inum ko kagabi ng alak...kaya naisipan kong dito na lang matulog sa hotel.” Muling nagsinungaling si Indigo.

( Umuwi ka na ngayon din. Hindi ka ba nahihiya sa mga kamag-anak ni Vanessa? Araw ng kasal mo, kung saan saan ka gumagala. Tsk! )

“Okay. I’ll be there. ”

( Dapat lang. )

Agad pinutol ni Indigo ang tawag. Iniisip n’ya kung saan pumunta si Lilac. Sinubukan n’yang tawagan ang cell phone ni Lilac ngunit hindi sumasagot.

“ Alam kong nasasaktan ka Lilac..Nasaktan ka na naman sa pangalawang pagkakataon..ayaw mo lang makita ko na umiiyak ka...KAYA KA UMALIS. Pinakita mo sa akin kagabi ANG DATING IKAW..

I DON’T KNOW IF THERE IS HOPE BETWEEN US. KUNG MERON MANG PAG-ASA TITIISIN KO ANG LAHAT..JUST COME BACK AND STAY.”

--------------------------------------

VANESSA’S POV

Sa wakas dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Ilang oras lang ang hihintayin ko at magiging MRS. INDIGO SALAZAR NA AKO. Ha ha ha ha ha ha ha...

Ang sarap ng pakiramdam na napaikot ko silang lahat sa aking mga palad.

Iniisip ko na ang nangyayari ngayon kay Lilac...NAIIYAK KAYA S’YA? NAMAMAGA NA KAYA ANG KANYANG MGA MATA?

Ito palang ang unang hakbang ko..marami pa akong gagawin...mga bagay na maglalagay sa akin sa ITAAS..at hinding hindi babagsak..dahil matibay ang pondasyon na gagawin ko. At walang makakahadlang sa akin..WALA!

-------------------------------------------

Naputol ang pagmumuni muni ni Vanessa nang dumating ang kanyang kapatid at ama.

“Iha, I’m so proud of you. Sa wakas, ikakasal ka narin sa isang Castillan- Salazar. You have the right choice. This family will lift you up in the society. Gagalangin ka at titingalain ng mga tao.”

Masayang sinabi ng ama ni Vanessa.

“Nessa, tandaan mo..kung may itatanong sa ‘yo kung anong gusto mong bilhin o makuha..H’WAG MONG KALIMUTAN NA SABIHIN ANG TUNGKOL SA ATING HACIENDA. Kailangan nating makuha ‘yon.”

Dagdag na sinabi ng kapatid ni Vanessa.

“ Oo naman. Pasasaan ba’t maibabalik natin ang hacienda natin. Habang nakatali ako kay Indigo may pag-asang makukuha natin ‘yon ulit. Kahit sa anong halaga.”

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon