AN : NAMNAMIN MUNA NATIN ANG MGA KADRAMAHAN NINA LILAC AT INDIGO..
Matindi ang kaba ni Vanessa sa mga sandaling ‘yon. Halos hindi na s’ya mapakali. Pakiramdam n’ya may mga matang nakamasid sa kanya sa tabi-tabi..Mga taong kasama ni Lilac. Bigla n’yang hinawakan ang kamay ni Indigo.
“NAGUSTUHAN MO BA ANG NILUTO KONG KARE-KARE?”
-Lilac
“ Ahmmm..Oo.” - Indigo
Nahalata naman ni Lilac ang mga kilos ni Vanessa.
Sa kanyang isipan..
“Ano Vanessa? Naiihi ka na ba sa takot? Hindi kita bibiglain..IKAW ANG KUSANG MAGSISIMULA NG LAHAT..PARA MAY DAHILAN AKONG SAKTAN KA..WALANG MAAAWA SA ‘YO..KAHIT SI INDIGO!”
Naniningkit ang mga mata ni Lilac. Lalo’t nakikita nito na mahigpit hinahawakan ni Vanessa ang kamay ni Indigo.
“Gaga! Sa tingin mo magagamit mo si Indigo bilang proteksyon mo laban sa akin? Kahit si Indigo hindi ako mapipigilan..KUNG SA TINGIN MO NASA SA ‘YO SI INDIGO MAGIGING LIGTAS KA NA..NAGKAKAMALI KA!”
Pagtuloy naglalaro ang isip ni Lilac.
“Lilac, maupo na tayo..h’wag mo nang pansinin ang dalawang ‘yan..halika na.” Bulong ni Glo. Saka lamang muling natauhan si Lilac.
“Ammmm.. Oo nga. Halina kayo.” Agad naunang umalis si Lilac.
Pagitan lamang ng dalawang mesa naupo sina Lilac at ang mga kaibigan nito. Minabuti ni Lilac na maupo na nakaharap kay Indigo. Habang kumakain sina Indigo at dumating din ang order nina Lilac..Hindi maiwasan na magtama ang kanilang tingin sa isa’t isa.
Sinasadya ni Lilac na akitin si Indigo sa mga titig n’ya at ngiti.
Pero parang walang reaksyon si Indigo. Nabatid ni Lilac na baka nagtatampo si Indigo sa kanya. Kailangan n’ya ng panibagong strategy..
“Girls, pupunta muna ako ng restroom..” Paalam ni Lilac.
Sinundan naman ng tingin ni Indigo ang pag-alis ni Lilac. Nang nasa restroom na si Lilac..tinawagan n’ya si Indigo..
“Igo...Bakit hindi mo sinabi sa akin na may ASAWA KA NA? Tama rin pala ang hinala ko sa ‘yo..MAHILIG KANG MAKIPAGLARO SA APOY..MABUTI NALANG AT HINDI AKO NADADARANG SA TUKSO NG MGA HALIK MO..
Dad told me to avoid you. Nagtataka lang ako kung bakit nasabi ni Daddy ‘yon? Siguro may nagawa ka sa akin noon na hindi ko lang naaalala. Kung ano man ’yon..kung masakit man..MARAHIL MAY DAHILAN ANG PAGKAKAROON KO NG AMNESIA..para kalimutan ka.“
Agad pinutol ni Lilac ang tawag. Nakikita n’yang inangat lamang ni Indigo ang cell phone at nakinig sa kanya sa linya. Nasa labas lamang si Lilac ng restroom, at tanaw nya ang dalawa.
Nakikita n’yang nakatingin kay Indigo si Vanessa. Mabuti na lang UNREGISTERED NUMBER ang lumalabas sa cell phone ni Indigo..at kahit tignan pa ni Vanessa hindi makikita ang numero na ginagamit n’ya.
Tinanggal ni Lilac ang SIM CARD ng cell phone.. At pinalitan ng original n’yang numero.
Samantala, kung anu-ano naman ang pumapasok sa utak ni Vanessa.
VANESSA’S POV
Buhay si Lilac..paano nangyari ‘yon? Lintek! malalagay ako nito sa kapahamakan. Mabuti naman at may Amnesia s’ya. Pero hindi dapat akong magtiwala. Marahil kukunwari lamang s’ya.
Hindi ko akalain na s’ya parin ang KAAGAW KO KAY INDIGO..Kailangan kumilos na ako bago maisipan ni Indigo na makipagmabutihan sa kanya. At baka sakaling bumalik ang alaala n’ya..HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAGING TALUNAN SA LABANG ITO..HINDI! IBABALIK KO S’YA SA IMPYERNONG PINAGMULAN N’YA. KUNG HINDI S’YA TINANGGAP NOON..SA PANGALAWANG PAGKAKATAONG ITO..AKO ANG HAHATID SA KANYA DOON SA IMPYERNO.“
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomanceFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...