Chap. 30
6:00 A.M. Maagang dumating sina Lilac sa Clinic. Tahimik pa ang buong paligid. Tanging silang lamang tatlo nina Gabby at Edwardo ang taong pumasok sa loob.
"Good Morning. Hello, Ms. Villaviste are you ready?" Nagulat na lamang sila nang biglang sumulpot ang doktor.
"Ahmmm...of course." Halatang excited si Lilac.
"Okay, maiwan na muna kayong dalawa dito. Hindi naman matatagalan eh. " Sabi ng doktor kina Gabby.
Naupo sina Gabby at Edwardo sa isang sulok. Halatang inaantok pa si Gabby sa mga sandaling 'yon. Maging si Edwardo ay ganun din.
"Gab, ikaw ba hindi mo naisipang gawin ang ganung bagay?" Tinutukoy ni Edwardo ang naging desisyon ni Lilac.
"I'm not like her. She needs it."
"Hindi ba sumagi sa isipan mo ang ganung bagay..kahit minsan?"
-Edwardo
"Wala. Ed, pwede ba tumigil ka muna. Kasi alam mo, inaantok ako." Sabay pinikit ni Gabby ang kanyang mga mata.
Ilang mga nurse ang dumating. Nakatingin sa kanila Edwardo. Napapangiti naman ang ilan kay Edwardo. Nginingitian din naman n'ya.
Tumayo si Edwardo upang kumuha ng kape sa vending machine. Uminum ng sandali. At muling umupo sa tabi ni Gabby.
Napasandig si Gabby sa gilid ng pader habang natutulog. Kinabig ni Edwardo ang ulo ni Gabby at pinahilig sa kanyang balikat. Hinawakan ni Edwardo ang kamay ni Gabby..
"Kelan ko kaya Gabby mahahawakan ulit ang kamay mo ng buong buo..'yong hindi ko na kailangan nakawin ang sandali tulad ngayon...Kailan kaya kita muling tatawaging ELA..tulad ng dating pagtawag ko sa 'yo..."
Idinikit din ni Edwardo ang kanyang ulo kaya Gabby. May dumaan na isang nurse..Nagulat sa nakita na magkahawak ang mga kamay ng dalawang lalaki. Gusto sanang matawa ng nurse ngunit naisipan n'yang marahil isa sa mga kliyente ng doktor ang dalawa.
Sa loob ng silid..
"Ms. Villaviste, relax lang po kayo..h'wag kayong masyadong gumalaw..alam ko pong natatakot kayo. Natural lang na makadama kayo ng kunting sakit..inhale at exhale ang dapat n'yong gawin."
Sinunod na lamang ni Lilac ang payo ng doktor.
"After this, my life will change..at kahit wala si Igo sa tabi ko..masaya narin ako..SA MAGIGING MGA ANAK KO IBIBIGAY ANG LAHAT NG PAGMAMAHAL KO..PAGMAMAHAL NA SANA NARARAMDAMAN DIN NG KANILANG AMA.."
Damang dama ni Lilac ang sakit sa kanyang sinapupunan..tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Hmmmmpppp...." Kagat labi na ginawa ni Lilac.
Pinikit n'ya ang kanyang mga mata.
Pagkalipas ng ilang sandali...
"Tapos na po Maam."
Rinig ni Lilac ang sinabi ng doktor. Dahan dahan s'yang tumayo habang inalalayan ng isang nurse.
"Ms. Villaviste, we will call you for your monthly check-up. So from now on you have to be careful. You have to stay healthy and don't be stress."
"Okay, Doc."
Sinabayan si Lilac ng doktor nang lumabas sa silid.
Naunang naglakad si Lilac. Inabutan n'yang magkadikit ang kamay ng dalawa. Bigla s'yang napangiti. Agad n'yang inilabas ang cell phone at kinunan ng larawan ang dalawa.
"Cute couple.." Bulong ng doktor kay Lilac. Hinarap ni Lilac ang doktor at tinanong...
"Paano mo nalaman?"
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomanceFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...