Chap. 38

8.3K 256 15
                                    

Chap. 38

Pansamantalang nilagyan ng benda ang mga mata ni Lilac. Nahihirapan si Lilac sa kanyang kalagayan ngunit kailangan n’yang maging matatag.

LILAC’S POV

Kahit anong gawin mo Vanessa, lalaban ako sa ‘yo. Kahit ipagkait na sa akin ang paningin..hindi ako titigil hangga’t MAY HININGA AKONG NATITIRA. LALABANAN KITA!

Dumating si Gabby at Edwardo..

“Lilac, h’wag mo nang patagalin ang patuloy na paglalabo ng iyong mga mata. Ilang araw ka nang ganyan. Nauubusan na ng panahon.”

Batid ni Lilac ang pangangamba ni Gabby.

“Kaya ko pa Gabby. Alam ko, ang mga posibilidad na mangyayari. Nakahanda ako. Masasabi kong swerte ako kung maibabalik sa normal ang lahat. Gabby, alam kong natutuwa si Vanessa sa mga nangyayari ngayon. Marahil inisip n’ya na rin na patay na ako. GAGAWA NA TAYO NG PANIBAGONG HAKBANG..Isang hakbang na wawasak sa kanya ng tuluyan.”

----------------------------------

Sa pamamahay ng mga magulang ni Lilac.

KRINGGGG KRINGGGG..

Hello? - Inday

( Hello po. Is this Villaviste Residence? )

Opo. Sino po sila?

( Nandyan po ba sina Mr. and Mrs. Villaviste? )

“Nagpapahinga po sila. Hindi pwedeng madistorbo.”

( Taga-Hacienda Montreal -Sebastian po ako. Iniimbitahan po ni EDWARDO CARLOS SEBASTIAN sina Mr. and Mrs. Villaviste para sa isang Grand Opening ng Beach Resort and Casino sa Santa Catalina. )

“Mmmmm..hindi po pumupunta sina Sir Andrew sa ganyang klaseng okasyon; kung wala s’yang natatanggap na invitation card. Umiiwas lang siguro s’ya na tawaging GATECRASHER.”

-Inday

(Meron po kaming pinadalang invitation. Pakibigay na lang po sa kanya. )

“Okay.”

BUZZZZZZ ...BUZZZZZZ

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon