JTWUR - Chap. 4

5.8K 170 6
                                    

Chap. 4

Lumapit si Gabby sa dalawang lalaki.

“Edwardo, anong problema mo?”

Humarap si Edwardo at nagsukatan sila ng titig ni Gabby.

“Ano?” Muling tanong ni Gabby. Hindi sumagot si Edwardo. Lumapit si Gabby kay Anthony at hinawakan ang kamay nito. Mabilis napansin si Edwardo ang bracelet ng dalawa..

Napakuyom ng kamay si Edwardo.

Iniwan s’ya ng dalawa sa sulok.

EDWARDO'S POV

Anong nangyayari sa akin? Gusto ko na syang iwasan..pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Bakit ganito wala akong lakas na kalabanin si Gabby? Hinihila parin akong pabalik sa kanya...

“Wala parin palang pinagbago si Edwardo.” -Anthony

“Naku h’wag mong pansinin ‘yon..nag-iinarte lang ’yon. Sanay na ako doon.” - Gabby

“Yo! Gabby hanep ang eksena ni Edwardo; akala ko gugulpihin mo na.” - Alex

“Tarantado s’ya, h’wag n’yang sirain ang gabi ko.”

- Gabby

“Mmmmm...baka nagseselos ka lang. Ha ha ha ha ha..patay ka n’yan!”

-Pooch

Umirap si Gabby. Lumabas silang apat sa Bar at naisipang umuwi na lang. Hinatid ni Anthony si Gabby.

“Anthony, h’wag mo nang isipin ‘yong nangyari kanina. Lasing lang si Edwardo.”

-Gabby

“Eh, ikaw lasing rin naman ah.”

-Anthony

“Hoy, hindi malakas ang tama sa akin ng alak. Tsaka, teka paano mo nalaman na nandoon kami sa bar?”

-Gabby

“Ah, tumawag kasi ako kanina sa Mamita mo.” -Anthony

Tumango tango si Gabby. Lalabas na sana si Gabby nang..

“Thanks for the kiss. That was unexpected.”

“Tsk! Wala ‘yon..pinakilig lang kita. Ciao!” Sabay labas ni Gabby sa kotse.

“Ella, kung alam mo lang...LUMULUTANG ULIT ANG ISIP KO NGAYON...” Bulong ni Anthony sa sarili.

-----------------------------------------

Nang pumasok sa kanyang silid si Gabby...

Naghubad s’ya ng damit..minsan pa humarap s’ya sa salamin..tinignan n’ya ang kanyang sarili. Masasabi n’yang mukha nga s’yang lalaki.

Ngunit merong anggulo sa kanyang mukha na hindi maipagkaila na s’ya ay babae parin. Pinagmasdan ni Gabby ang kanyang katawan..Masasabing tulad na rin ng isang lalaki..dahil narin sa kanyang matinding pagbubuhat ng mabibigat sa loob ng Gym ( Weight Lifting ).Na kadalasan namang ginagawa ng mga lalaki.

Pinagmasdan n’ya ang kanyang dibdib...

“Mabuti nalang at maliit ang hinaharap ko..hindi nahahalatang babae ako.”

-Gabby

Ngunit napatingin s’ya sa kanyang ibaba..ang patunay sa totoo n’yang kasarian.

“Damn! Mawawala ka rin...babaguhin na kita.”

-Gabby

Kinabukasan, habang nag-aalmusal ang magtiyahin..

“Mamita..Ate..meron akong sasabihin sa inyo..”

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon