JTWUR - Chap. 5

6K 185 10
                                    

Chap. 5

AN : WALANG KATOTOHANAN ANG BAWAT KWENTO. BASAHIN NALANG NINYO. 

Nang umuwi si Gabby, inabutan n’yang nasa sala ang kanyang tiyahin.

“Mano po, Tita.”

Lalapit sana si Gabby ngunit umalis ang tiyahin. Alam ni Gabby na nagtatampo pa rin ito sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang si Gabby at umakyat sa kanyang silid.

Habang nakahiga si Gabby sa kanyang kama naglalaro ang kanyang isipan..

“Pag naging lalaki na ako..magugulat si Lilac at Indigo sa akin. Magugulat silang lahat. Hayyy, tagal ko nang pinangarap ito. Sa wakas, matutupad na rin. Hindi na ako makakaranas ng Monthly period. Magiging kasing gwapo kaya ako ni Anthony o ni...Edwardo? Huh! Natural, gwapo naman si Kuya Galvin..syempre ako din...

Weeeeeee! Maghahanap agad ako ng GIRLFRIEND. Pero bakit ganito..kinakabahan ako kay Edwardo...tsaka, bakit ako apektado sa mga ginagawa nila ng syota n’ya? Weird.

Hmp! Alam ko namang may parte parin akong babae..pakiramdam na bilang babae..PERO HINDI AKO DAPAT PAAPEKTO..BAKA MAGING SANHI PA NA HINDI MATULOY ANG MGA PLANO KO.”

--------------------------------------------

Dinalaw na nang antok si Gabby sa daming iniisip tungkol sa mangyayari pagkatapos ng operasyon.

Kinabukasan, naisipan ng kanyang Tiyahin na pumunta ng bahay nina Edwardo.

“Hi, Carol. ” Bati ng Tiyahin ni Gabby sa ina ni Edwardo.

“Hello, Azon. ” Sagot ng ina ni Edwardo.

“Hay naku, sumasakit ang ulo ko sa pamangkin ko.”

“Bakit naman?”

“Dahil naisipan na ni Gabby ang magpaopera.”

“Naku, madami na ang ganun. Tsaka, ‘yong iba nga eh bata palang pinaooperahan na ng mga magulang.”

“Tanggap ko naman ang pagiging pansexual n’ya. Pero ang baguhin n’ya ang kanyang kasarian sa pagiging lalaki..hindi ko kayang tanggapin.”

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon