FINAL 2
Litong lito parin ang mga magulang ni Lilac sa mga pangyayari. Nagmadaling lumabas ang mag-asawa kasama ang mga security guard. Agad silang sumakay sa helicopter na naghihintay sa di kalayuan ng hall.
Nagwawala at nagsisigaw si Vanessa habang hinihila ng mga pulis palabas sa building.
“Igo! Tulungan mo ako! Hindi totoo ang lahat ng ‘yan!” Naiiyak si Vanessa habang pinipilit na isinasakay sa Police car.
“Sir, totoo ba ang lahat? Hindi kami makapaniwala..si Maam Vanessa ang dahilan na nawala si Maam Lilac..” Sabi ng isang empleyado.
Hindi makapagsalita si Indigo. Napapikit s’ya at napahawak sa kanyang ulo.
Lumapit ang kanyang mga magulang at inalalayan s'ya.
Samantala sina Gabby naman ay kinausap ng mga taong nag-uumpukan sa loob ng Hall. Maraming katanungan ang itinapon kina Gabby ngunit hindi sinagot nina Gabby at Edwardo.
Nanatiling tahimik ang dalawa. Dumating ang isang pulis. Ang pulis ang humarap sa lahat. Ilang sandali lang ay pinauwi ang lahat ng taong naroroon.
Halos hindi parin makapaniwala si Indigo. Hinarap ni Indigo sina Gabby at Edwardo..
“Nasaan si Lilac? Nasaan si LILAC?!” Sumigaw si Indigo.
“Asawa mo ang asikasuhin mo!” Sigaw ni Edwardo.
Hinila ni Indigo ang kuwelyo ng damit ni Edwardo.
“Nasaan si Lilac? Sabihin mo sa akin kung nasaan s’ya? Nasaan?!”
“Tumigil ka Igo! Mabuti pang puntahan natin si Vanessa sa presinto. Asawa mo s’ya dapat nasa tabi ka n’ya. May ginawa man s’yang mali..tatayo ka bilang asawa n’ya.”
-Ama ni IndigoNapayuko si Indigo. At binitawan si Edwardo.
==============================
Narating ng mga magulang ni Lilac ang Hospital...
Naglalakad pa lamang ang mag-asawa karga karga ang kanilang apo. Napapaiyak na ang ina ni Lilac.
Narating na nila ang Operating room. Inabutan nila sina Mang Minong at Aling Alicia na naghihintay sa labas.
“Kayo po bang ang mga magulang ni Cele...Lilac?” Tanong ni Aling Alicia.
Tumango ang dalawang mag-asawa.
“Ang anak namin? Anong nangyari sa kanya? Bakit s’ya ooperahan?” -Mrs. Villaviste
“Nagkaroon po s’ya ng Head Injury. Naapektohan ang kanyang mga mata. Kung hindi ooperahan magiging bulag si Lilac.”
-Mang Minong
“God...” Biglang umiyak ng malakas ang ina ni Lilac.
“Anak...” Umiyak din ang ama ni Lilac. Napayakap ang dalawa ng mahigpit sa kanilang mga apo.
“Ano pa? Meron pa ba kaming hindi alam? Bakit nila nilihim ang lahat sa amin?”
-Mr. Villaviste
" Huminahon ho kayo..malalaman din po ninyo ang totoo."
Bumukas ang pinto ng Operating room at ..
“Lilac..Lilac anak...” Hindi napigilan ng mga magulang ni Lilac ang di lumapit sa kanya. Awang awa sila sa kalagayan ni Lilac. Gusto man nilang yakapin ngunit hindi nila magawa.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
Любовные романыFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...