Chap. 24
AN : Bago ang lahat, pinapasalamatan ko KAYONG LAHAT NA BUMABASA SA STORY NA 'TO. SALAMAT NA LANG SA 20 VOTES NA NATANGGAP KO KANINANG UMAGA. NAKONSENSYA LANG TALAGA AKO kaya ginawa ko na naman ang chapter na 'to...KAYA ENJOY NA LANG NATIN ULI.
---------------------------------------------
Matapos marinig ni Lilac ang mga sinabi ni Indigo, hinarap n'ya si Indigo.
"Igo, ang hirap paniwalaan ang sinabi mo..Siguro kung hindi ako nagka-amnesia..hindi nangyari ang lahat ng ito. AT HINDING HINDI KO MARIRINIG 'YAN SA 'YO."
Inalis ni Lilac ang mga kamay ni Indigo.
"Lilac, pati ba naman ang damdamin mo nagka-amnesia na rin?"
Indigo
"Siguro. Mabuti na nga lang ganito...BAKA KASI MASASAKTAN LANG AKO NG HUSTO PAG NAALALA ANG LAHAT."
"Lilac, kung sa tingin mo nagbibiro ako..Hindi." Sabi ni Indigo.
Ngumiti lamang si Lilac at iniwan si Indigo.
Muling sinundan ni Indigo si Lilac at hinila ang braso.
Hinila n'ya si Lilac palabas ng bahay.
"Aray! Indigo nasasaktan ako..pwede ba bitawan mo ako!"
Mistulang walang narinig si Indigo at sa pilitang isinakay si Lilac sa kotse.
"Enjoy your ride Lilac.." Agad pinaandar ni Indigo ang sasakyan at pinaharurot agad.
Hindi naman natatakot si Lilac; sa katunayan natutuwa nga sa mga kinikilos ni Indigo.
"Saan mo ako dadalhin?" - Lilac
"Somewhere... that only me and you will rule the world.."
Napansin ni Lilac na tila seryoso na si Indigo sa mga sinasabi nito.
Nakikiramdam si Lilac sa ibang kinikilos ni Indigo. Hindi na nagsasalita. Nagmamaneho ng sasakyan si Indigo ngunit ang kabilang kamay naman ay nakahawak sa kamay ni Lilac.
Huminto sila sa isang malaking Warehouse. Sa loob ng warehouse ay may naghihintay na Amphibious Plane. Nakasulat pa sa eroplano CASTILLAN-SALAZAR.
Bumaba ang dalawa sa sasakyan. Muli na namang hinawakan ni Indigo ang kamay ni Lilac. Sinalubong sila ng isang lalaki na tila isang piloto.
"Hello. Are you busy today?" Tanong ni Indigo na lalaking nakaputi ng polo-shirt at naka-blue jeans. S'ya ay si Max.
"Not really." Hindi agad nakita ng lalaki ang babaeng kasama ni Indigo. Ngunit biglang nagsalita si Lilac.
"Saan tayo pupunta Indigo?" Agad na tanong ni Lilac. Dahilan napatingin sa likuran ni Indigo ang lalaking kaharap..at sinabing..
"Jesus Christ! Lilac Villaviste..you're alive!" Napalakas ang boses ng lalaki.
Hindi pa nakuntento ang lalaki at nilapitan ng maigi si Lilac..Gulat na gulat parin ang lalaki nang makita si Lilac..
"P-Paano nangyari ito? Kumalat ang balitang patay ka na." Sabi ng lalaki.
Napayuko si Lilac.
"Max, please don't tell anyone about her. Okay?" Sabi ni Indigo.
Nalilito parin si Max habang titig na titig kay Lilac.
"Max, bring us to the island." Utos ni Indigo.
Tumango na lang ang lalaki at sinunod ang utos ni Indigo.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
Любовные романыFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...