Chap. 36

7.8K 241 10
                                    

Chap. 36

 IPAIRAL MUNA ANG IMAGINATION SA CHAPTER NA 'TO.

 

Inihatid ni Indigo si Trixy sa pamamahay ng kanyang magulang..Bago umalis si Indigo kinausap s’ya ng dating Yaya.

“Igo, h’wag mo nang isipin si Lilac. Maging masaya kana na may nagmamahal na sa kanya. Alam ko na nagsisisi ka sa lahat ng ginawa mo..Alam ko rin na mahal mo s’ya..pero sadyang hindi na pwedeng maulit ang lahat. Sa ngayon mahihirapan kang tanggapin..pero masasanay ka rin..Igo, si Vanessa ang pinakasalan mo..si Vanessa na ang nagmamay-ari sa ‘yo. Hindi mo pwedeng itapon ang lahat lahat.”

-Trixy

“Nay, hindi ko maibigay kay Vanessa ang pagmamahal na katulad kay Lilac. Minahal ko si Vanessa..pero parating may kulang..hindi ko alam kung bakit? Pinili ko si Vanessa noon dahil hindi ko agad naramdaman itong klaseng pagmamahal kay Lilac...Umasa kasi ako na kahit anong mangyari nandyan lang si Lilac..maghihintay sa akin..at hindi ako iiwan..Pero sinampal ako ng katotohanan..NAKALIMUTAN KONG DARATING ANG PUNTO NA MAPAPAGOD DIN PALA S’YA. AT AKO..MARARANASAN KO NA ANG HIRAP NA DINANAS N’YA NOON..Nay, hindi ko alam kung saan ako lulugar.”

-Indigo

“Igo, ang mabuti pa tanggapin mo ang totoo. Hindi lahat ng bagay nakukuha mo..hindi lahat na hinihiling mo binibigay..Minsan hindi dumarating.”

-Trixy

Napatakip ng kanyang mukha si Igo. Hinagod naman ni Trixy ang balikat nito.

------------------------------

Abala si Lilac sa paggawa ng mga flower centerpiece sa loob kanyang pamamahay. Wala s’yang katulong. Sanay si Lilac na gumawang mag-isa.

“Red and Yellow and Pink and Green

Orange and Purple and Blue.. I can sing a rainbow...

Sing a rainbow, Sing a rainbow too!”

Umaawit si Lilac habang nagiging abala ang mga kamay sa pagputol ng mga tangkay ng mga bulaklak..

“Ribbons..Ribbons..I need more Ribbons..”

Inabot si Lilac ng hating gabi sa paggawa ng mga centerpiece..

Nang matapos n’ya ang lahat kinuha n’ya ang cellphone at tinignan ang mga messages na dumating..

Binasa n’ya ang mga mensaheng natanggap..

“Kids are sleeping now..Good night!” - Gabby

“ LV, see you tomorrow.” - Edwardo

“Hmp! nagtitipid naman ang mga ito sa message nila. Nagkabati na kaya sila? Mmmmm...”

Tinungo ni Lilac ang bintana..napansin n’yang may dumaraan na isang sasakyan..Dahan dahan lamang ang pagtakbo ng sasakyan sa tapat ng kanyang bahay.

Napakunot ng noo si Lilac. Hinintay n’ya kung hihinto ang sasakyan..ngunit hindi.

Pinagkibit balikat ni Lilac ang nakita.

-------------------------

Kinabukasan..

Maagang dumating ang ilang tauhan ni Lilac. Kinuha nito ang mga Flower centerpiece na nagawa ni Lilac. Sumabay na rin si Lilac sa kanyang mga tauhan.

Habang sa biyahe pa lamang si Lilac naalala n’yang tawagan si Edwardo..

“Ed, bukas ko nalang kukunin ang mga bata d’yan. Paki sabi kay Gabby THANK YOU!”

( Okay...)

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon