JTWUR - Chap. 1

10.1K 221 12
                                    

Author's Note : Sa lahat ng readers gusto kong malaman n'yo na hindi ko sigurado kung gaano kahaba ang itatakbo ng kwentong ito. Maaring may pagbabagong mangyari sa mga character.

Sa loob ng 2 taon..naging tahimik ang buhay ni Gabby. Madalas rin naman s'yang binibisita ng mag-asawang Lilac at Indigo. Nakalimutan ni Gabby si Edwardo dahil nakatuon ang isip n'ya sa kanyang trabaho.

"Hey, Gabby. Where are you? Busy ka ba?" Tawag ni Lilac sa cell phone.

( I'm here at the farm. I'm checking the flowers for delivery. Bakit?)

"Gabby, hanggang ngayon lagi ka paring walang panahon sa sarili mo. Come on. Samahan mo naman kami sa Park ng mga bata. They miss you. Ang kulit kasi ni Cyan. Lagi ka n'yang hinahanap.."

(Ahmmm..sige. Tatapusin ko lang ito..pupunta ako. )

Nagmadaling tinawag ni Gabby ang isang tauhan para tignan ang mga bulaklak.

"Tignan mo ng maigi ang temperatura dito sa loob ng greenhouse. Paki check ang bawat halaman. Mahirap na baka magkauod. "

"Yes, Sir. "

Bago umalis si Gabby sinigurado muna ang truck na magdadala ng delivery sa bayan.

Mula nang mawala si Edwardo..lahat si Gabby ang umasikaso..Mula sa Hacienda hanggang sa Orchids farm. Piling pili lamang kung kumuha ng mga taong pagkakatiwalaan si Gabby. Kaya tuloy nakalimutan n'ya ang magpahinga at pambigyan ang sarili.

Pumunta si Gabby sa park.

Nakita n'yang nagtatakbuhan ang mga anak ni Lilac kasama ang kanilang mga Yaya. Samantala, nasa isang bench si Lilac at tinatanaw sila. Hindi magawang makisali si Lilac sa laro ng mga bata dahil s'ya ay buntis.

Nakita si Gabby ni Lilac na paparating..

"Cyan! Look..its MAMOO!" Tawag ni Lilac sa kanyang anak. Lumingon ang bata at ngumiti. Agad itong tumakbo nang makita si Gabby.

"Mamoo..." Nakadipa agad ang mga kamay ng bata habang sinasalubong si Gabby.

Agad ding lumapit si Gabby at niyakap si Cyan.

Walang tigil ang paghalik ng bata sa pisngi ni Gabby.

"Do you miss me?" Tanong ni Gabby.

"Yes.."

"I miss you too, baby." Sabay halik ni Gabby sa pisngi ng bata.

Natutuwa naman si Lilac kay Gabby.

Lumapit din kay Gabby ang batang babae..

"I miss you too, Princess."

"Me, too. "

Walang batid ang yakapan ng tatlo.

"Hey, Lilac. Kelan ba 'yan lalabas?" Nakangusong tinuturo ang tiyan ni Lilac.

" Next month."

"Ahhh..sigurado ako matapos mo isilang 'yan...buntis ka na naman..."

"Gabby, bakit mo naman nasabi 'yon?"

"Aba, di ba't gusto ni Igo nang isang baranggay. Kaya hindi imposible 'yon." Patawa tawa na sinabi ni Gabby.

"Eh, ikaw wala bang balak?"

"Ha ha ha ha ha...okay ka lang? No way. Saan naman ako makakahanap ng magbubuntis sa akin?"

"Meron..si..si..Edwardo."

"What? Lilac si Edwardo ang tipo ng lalaki na di nauubusan ng babae sa buhay. Sa tingin ko nga hanggang sa pagtanda nun maging FATHER OF THE NATION na s'ya."

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon