JTWUR - Chap. 15

5.5K 170 2
                                    

Chap. 15

PAALALA : Medyo bibilisan ko na ang kwento kasi inip na rin ako sa pagtatagpo nina Gabby at Edwardo.

Sa Gun Shop ni Edwardo, naging abala s’ya sa mga kliyenteng dumarating. Kadalasang kliyente ni Edwardo ay mga Politiko o mga kilalang mga negosyante na mahilig bumili ng mga matataas na kalibre ng baril.

Napapadalas rin ang paglabas nito sa ibang bansa upang bumili ng mga armas. Ginamit ni Edwardo ang koneksyon sa negosyo ng kanyang pamilya upang mapadali ang lahat ng transaksyong gagawin nito.

Hapon, habang nasa kanyang Combat Training Center si Edwardo. Ilan sa mga kliyente n’ya ang dumating upang magsanay sa paghawak ng baril. Si Edwardo mismo ang nagtuturo sa bawat taong nag-aaral.

Ngunit limitado si Edwardo sa kanyang oras, kaya kumuha s’ya ng kanyang Assistant Instructor para asikasuhin ang mga taong nasa loob ng training Center. Kabisado ni Edwardo ang oras kung kelan matatapos ang klase ni Gerry..kaya nagmamadali s’yang umalis at pupunta ng paaralan.

Habang sakay s’ya ng kanyang sasakyan, hindi n’ya maiwasang maalala si Gabby..

EDWARDO’S POV

Habang tumatagal pakiramdam ko lalo akong nahihirapan sa kalagayan namin ng bata. Hindi ko alam kung anong gagawin sa sandaling matuklasan ni Gabby ang totoo. Hindi ko sigurado kung kakayanin ko ang malayo si Gerry sa akin. Gayun pa man hindi ko pwedeng ilayo ang bata sa kanyang ina. AKO ANG MAY KASALANAN..HINDI KO MASISISI SI GABBY KUNG ILALAYO N’YA SI GERRY SA AKIN BALANG ARAW. Pero umaasa akong maayos ang lahat ng ito. AKO PARIN ANG AMA..HINDI PWEDENG IPAGKAILA NI GABBY.

-------------------------------------------

Nang matapos na ang klase ng bata..

“Good Afternoon Maam, sino pong hinahanap ninyo?” Tanong ng guro kay Gabby.

“I am the mother of Geraldine Montreal.” Pakilala ni Gabby sa sarili.

“Ahh, sandali lang po Maam. Tatawagin ko si Gerry.”

Ilang sandali lang lumabas si Gerry at tila nagmamadali..Ngunit nabigla ang bata na nakatayo si Gabby sa labas ng pintuan.

“Mama, why are you here?” Nagtataka ang bata.

“I want to meet your friend..Mr. Phoenix.” Nakataas pa ang kilay ni Gabby nang sabihin sa anak.

Palinga linga rin si Gerry sa paligid at tila may hinahanap.

“Sinong hinahanap mo Gerry?” - Gabby

“Mr. Phoenix, isn’t here.”

“Maybe he's in the other room. Let’s look for him.” Agad na niyaya ni Gabby.

Naikot na nila ang bawat sulok ng paaralan; ngunit walang Mr. Phoenix. Nagsimulang maghinala si Gabby.

Nagkataon na napadaan sila sa isang Wall Glass Bulletin Board. Nakalagay doon ang mga larawan ng mga guro at ilang empleyado ng naturang paaralan..

Kinarga ni Gabby ang bata..

“Gerry, hanapin mo sa mga larawaan na ‘yan kung nasaan si Mr. Phoeinx.”

Hinanap din naman ng bata..subalit..

KRINGGGG KRINGGG

Muling ibinaba ni Gabby si Gerry at sinagot ang tawag sa kanyang cell phone.

( Maam, si Debbie po ito. Tumawag dito ang bagong buyer ng Orchids; gusto raw ho kayong makilala. Magkita raw ho kayo sa ******Cafe. )

“Ganun ba. O sige, pupunta na ako.”

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon