Chap. 7
Hindi maunawaan ni Gabby ang sarili kung bakit parang ang hirap tanggapin ang nangyayari sa kanya ngayon.
GABBY’S POV
Akala ko matutupad na ang mga bagay na gusto kong mangyari sa buhay ko. Akala ko lahat ay madali ko nalang abutin..Pero ano itong nangyayari ngayon. Nawawasak ng padahan dahan ang lahat..Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy itong pagbubuntis ko.
Lintek! Lalong umiinit ang ulo ko kay Anthony. Binigyan pa ako ng isang problema.
Paano ko ipapaliwanag sa lahat ang nangyari sa akin?
THIRD PERSON’S POV
Halos hindi maipinta ang mukha ni Gabby nang lumabas sa Klinika. Napansin naman nina Bitoy at Debbie.
“Este..Ma’am Gabby...ah...eh Sir Gabby..ano ba talaga ang itatawag ko sa inyo?” Nalilito si Bitoy.
“Gabby. Tsk! Kahit ano...Pwede ba mauna na kayo ni Debbie umuwi. May pupuntahan ako.” Paalam ni Gabby.
“Maam...Sir...Saan po kayo pupunta?” -Debbie
“Gusto kong mapag-isa. Magulo ang isip ko ngayon..kaya kung pwede gusto ko ng SPACE.” Diinang sinabi ni Gabby. Nagkatinginan ang dalawa.
Naglakad si Gabby mag-isa. Mabilis kumilos ang dalawa..lihim nilang sinundan si Gabby. Dumaan si Gabby sa isang Flower Shop.
Nakita nilang pumunta si Gabby sa isang sementeryo.
Pumasok s’ya sa isang Mausoleum.
Nagsindi ng kandila si Gabby...at doon muli s’yang umiyak habang kinakausap ng libingan ng kanyang kapatid na si Galvin.
“Kuya..Kuya..hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa mga taong nakapaligid sa akin. Kuya, natatakot ako..( Pause )..Wala namang titingin sa akin..kasi hindi ko rin naman pinaalam kina Ate at Mamita ang nangyari sa akin. Kuya, buntis ako. At ang taong madalas kong ipagtanggol noon ang s’yang gumawa sa akin ng KAHAYUPAN..si Anthony Ventura.
Kung tatanungin mo si Edwardo..Kuya may sarili s’yang buhay...kung ano man ang PANGAKO n’ya sa ‘yo noon..hindi n’yang pwedeng gawin..AT ALAM KONG WALA S’YANG PAKIALAM SA AKIN..MARAHIL NGA BAKA PAGTAWANAN N’YA PA AKO.
Hindi matigil tigil ang pag-iyak ni Gabby. Lalo na’t napapaisip s’ya na PAGTATAWANAN NI EDWARDO dahil sa NANGYARI SA KANYA.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomansFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...