Chap. 34
Buong maghapon na walang nagawang trabaho si Indigo..ni hindi n’yang magawang humawak ng ballpen para magsulat. Tumatakbo ang isip n’ya sa larawan na nakita sa mga magulang ni Lilac.
Iniisip n’ya marahil kakilala o kaibigan ni Gabby ang lalaki na ama ng bata.
Naisipan n’yang tawagan si Carmen.
“Hello, Carmen. Napatawag ako sa ‘yo kasi naalala ko na; kakilala n’yo nga pala ang kapatid ni Gabby Montreal. Ano nga uli ang pangalan?”
(Ah..si Galvin Montreal. May sarili silang hacienda. Hindi ko lang alam kung nasaan ang Hacienda nila. Bakit mo naman natanong? )
“Curious lang ako.”
(Mmmm..nagseselos ka ba? )
“Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. HINDI LANG AKO NAGSESELOS; PAKIRAMDAM KO..HANDA AKONG MAKIPAGBASAGAN NG BUNGO..BASTA’T MAKUHA KO LANG SI LILAC.”
(Baliktad na nga talaga ang mundo...Anyway, Kung gusto mo ng ibang information about Galvin..tumawag ka sa Wattpad University.. )
“Okay. I got it. Thank you. ”
Hindi nag-aksaya ng panahon si Indigo. Hindi n’ya maunawaan sa sarili kung bakit parang may tumutulak sa kanya na tawagan ang unibersidad.
Sinubukan n’yang tawagan ngunit hindi s’ya nakapasok sa linya. Kaya inatasan na lamang n’ya ang kanyang sekretarya .
“Wella, may kakilala ka ba sa Wattpad University?”
“Opo, Sir. May kamag-anak po akong nagtatrabaho sa Registrar Office ng university. Bakit po?”
“Ipatanong mo nga ang pangalan ni GALVIN MONTREAL. Gusto kong malaman kung saan s’ya nakatira..gustong makakuha ng ilang impormasyon tungkol sa kanya.”
“Yes, Sir.”
Naisip ni Indigo na magtrabaho muli habang hinihintay ang ibabalita ng kanyang sekretarya.
Ilang sandali pa...
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomanceFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...