JTWUR -Chap. 3

7K 196 7
                                    

Chap. 3

Namasyal sina Gabby at Anthony..

GABBY'S POV

Hindi ko inaakala na muli kaming magkikita ni Anthony. Ang huling sandali na magkasama  kami ay noong High School pa.

Wala parin s'yang pinagbago..the way he smile..the way he moves..everything never change. He's so natural. And I like him for being like that.

FLASHBACK

Noong 16 taong gulang palang sina Gabby at Anthony; madalas silang magkasama. Magkaklase sila sa iisang paaralan. Madalas tinutukso si Anthony ng mga kaklase n'ya na isang lampa at mahina ang loob. Ngunit magaling naman sa klase.

Si Gabby ang madalas nagtatanggol sa kanya. Samantala, inis na inis naman si Galvin kapag pinagtatanggol ni Gabby si Anthony.

"Ano ka ba naman Gabby, dapat nga ikaw ang ipinagtatanggol ni Anthony sa mga kaklase n'yo na nang aasar sa 'yo; lumalabas tuloy na ikaw ang SUPER HERO."

-Galvin

"Kuya, alam mo namang hindi lahat ng lalaki pare pareho. Tsaka, mabait naman si Anthony. Walang problema sa akin 'yon."

-Gabby

"'Yon na nga eh. Sa sobrang bait ni Anthony hinahayaan n'yang binubully s'ya sa eskwelahan."

-Galvin

"Kuya, hindi mo ako masisisi kung bakit ko ipinagtatanggol si Anthony. HE SAVED MY LIFE. Kung hindi dahil sa kanya..malamang patay na ako. Tsaka hindi lang isang beses n'ya akong sinagip DALAWANG BESES."

-Gabby

Malinaw pa sa alaala ni Gabby nang minsang sinagip ang buhay n'ya ni Anthony...dahil minsan nagkaroon ng project sa eskwelahan; kailangan nilang manghuli ng mga insekto sa kagubatan..nagkataon napunta si Gabby sa isang masukal na kakahuyan..at natuklaw s'ya ng ahas sa kanyang kamay.

"Ahh!"

"Gabby!" Sigaw ng mga kaklase ni Gabby.

Napalayo sila sa ibang kasama. Nataranta ang ibang mga kaklase ni Gabby ngunit..agad lumapit si Anthony at inilabas mula sa bag nito ang extractor; bandage at splint upang mapigil ang pagdaloy ng kamandag.

"H'wag kang hihiga Gabby. H'wag kang gumalaw." Halatang natataranta din si Anthony habang ginagawa ang first aid.

"Mamatay ba ako, Anthony?" Nagsimulang matakot si Gabby.

"No." - Anthony

Patuloy na ginagawa ni Anthony ang first aid.

Humingi ng tulong ibang mga kasamahan nila. Mabuti nalang at madaling dumating ang saklolo.

Sa hospital...

"Good job, boy. You saved her life." Sabi ng doktor.

Lumapit si Anthony kay Gabby.

"Thank you, Anthony."

"Wala 'yon. Minsa lang ako magpakaSuper Hero sa 'yo."

- Anthony

Muling naulit ang 'di inaasahang pangyayari..

New Years Eve noon, maraming fire crackers ang dinala ang mga kaibigan ni Gabby para gagamitin sa pagsalubong ng bagong taon. Naging abala sina Gabby sa paglagay ng dekorasyon sa loob ng Party Hall. Umakyat si Gabby sa isang mataas na hagdaan upang ikabit ang Banner;nang biglang tinapunan ng paputok ang hagdanan na ikinagulat ni Gabby. Nawalan ng panimbang si Gabby at mahuhulog sa hagdanan..Ngunit nang pabagsak na s'ya..

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon