Chap. 16
Hindi makapaniwala si Indigo sa kanyang nakita..Gusto n’yang makasigurado na lahat ay totoo..Humakbang s’ya palapit sa babae.
“Lilac..” Biglang lumakas ang pagpintig ng puso ni Indigo..Tila kinakapos s’ya sa paghinga..Kasing bilis ng KIDLAT agad lumapit si Indigo at niyakap si Lilac.
Nakapikit ang mga mata ni Indigo habang yakap yakap si Lilac. Magkahalong saya ang nararamdaman n’ya..
Hinagkan n’ya ang noo ni Lilac. Habang napapaluha.
SUBALIT..
Maging si Lilac ay nagulat rin. Hindi n’ya NAAALALA SI INDIGO. WALANG RUMIRIHESTRO SA KANYANG ISIPAN SA TAONG YUMAYAKAP SA KANYA.
NAGTATAKA SI LILAC DAHIL HALOS LAHAT AY DAHAN DAHANG BUMABALIK SA KANYANG ALAALA. NGUNIT WALA SA LALAKING KAHARAP N’YA.
“Sino ka?” tanong ni Lilac. Sabay tulak ng bahagya kay Indigo.
Napakunot ang noo ni Indigo.
Magsasalita na sana si Indigo nang ..
“Lilac..pumasok ka muna sa silid mo..” Utos ng ama ni Lilac. Agad hinila ni Mr. Villaviste ang kamay ng anak. Agad hinawakan ni Indigo ang kabilang kamay ni Lilac. Tila pipigilan si Lilac ni Indigo ngunit agad inagaw ng ama ni Lilac ang kamay nito.
Isang matalim na titig ang ipinakita ng ama ni Lilac kay Indigo. Sinamahan agad ng katulong si Lilac sa kanyang silid.
“Anong ibig sabihin nito Tito Andrew?” Tila may galit sa boses ni Indigo ang maririnig.
“Buhay ang aking anak. Sapat na ‘yon na nandito s’yang muli sa piling namin.” - Mr. Villaviste
“Andrew, ipaliwanag mo sa amin ano ang nangyari kay Lilac?” Tanong ng ama ni Indigo.
“Hindi ko maipaliwanag ang lahat. Tanging si Lilac lang ang nakakaalam. Ang sabi n’ya naaksidente s’ya at nagkaAMNESIA. Mabuti nalang at may kumupkop sa kanya. Hindi na importante sa akin kung ano pa nakaraaan. Mahalaga sa akin na nandito ang aking anak at buhay.”
-Mr. Villaviste
“Tito, pero bakit wala s’yang naaalala sa mga nangyari?” Tanong ni Franzy.
“NagkaAMNESIA si Lilac.” Tipid na sagot ng ina ni Lilac.
“Dapat s’yang dalahin sa doktor at ipasuri.” Biglang nasabi ni Indigo na tila nag-aalala sa kalagayan ni Lilac.
“Para ano pa Indigo? PARA MULING MAALALA N’YA ANG SAKIT NA SINAPIT N’YA SA ‘YO! KAYA KA NGA UMALIS DI BA? DAHIL AYAW MONG KULITIN KA NI LILAC... PINAGTULAKAN MO ANG PAGMAMAHAL NG ANAK KO SA ’YO.
SA TINGIN MO GUGUSTUHIN KONG BUMALIK ANG ALAALA N’YA SA ‘YO? HINDI. MAS PIPILIIN KONG MAGSIMULA SI LILAC SA BAGONG BUHAY N’YA NGAYON..H’WAG KA LANG N’YANG MAALALA!
ALAM MO BANG SA BAWAT PAG-IYAK NI LILAC NG DAHIL SA ‘YO NOON; GUSTO KO NANG MAGWALA.. PERO SA PAGKAKATAON NA ITO..PAGBABAWALAN NA KITANG LUMAPIT SA KANYA.. AT AYAW KONG MAGKAROON NG UGNAYAN PA SA ’YO SI LILAC!”
Pinigil ng ina ni Lilac ang asawa. Walang masabi ang mga magulang ni Indigo. Nauunawaan nila ang nararamdaman ng ama ni Lilac.
Maski si Indigo ay wala ring masabi. Aminado si Indigo sa kanyang kamalian kay Lilac. Hinawakan ni Carmen ang balikat ni Indigo at sinabing..
“Igo, ihatid mo na muna ang mga magulang mo..lumalalim na ang gabi..” - Carmen
Muling nagsalita si Indigo sa ama ni Lilac.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
Roman d'amourFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...