Chap. 6
Nanginginig ang mga kamay ni Gabby na sinusuot ang kanyang damit. Hindi matigil tigil ang mga luha n’ya. Magkahalong kaba at takot ang bumabalot sa kanyang sarili. Kinuha n’ya ang kobre kama at tinupi ng maigi.
Nagmadali s’yang lumabas sa silid na ‘yon. Saka lamang n’ya napansin nasa isang lumang building s’ya dinala ng taong gumahasa sa kanya.
“Lintek ka Anthony! Para akong basura sa paningin mo..dito mo ako dinala...Kung alam ko lang na bababuyin mo ako, HINAYAAN NA KITANG SINAKTAN NI EDWARDO.”
Humanap si Gabby ng isang basurahan upang itapon ang kobre kama. Mabuti nalang at may nakaparadang truck ng basurahan. Dali daling itinapon ni Gabby ang daladala nito. May napadaan na isang taxi; agad n’yang tinawag at sumakay.
Sa loob pa lamang ng taxi; muling napapaiyak si Gabby.
“Miss..are you okay?” Tanong ng driver.
“Yeah. I’m okay. ” Tipid na sagot ni Gabby.
Nang marating n’ya ang pamamahay ng kanyang tiyahin, agad s’yang pumasok sa loob ng bahay. Inabutan n’yang nasa sala ang kanyang mga kapatid at Tiyahin.
“Gabby, saan ka nanggaling? Kagabi pa kami naghihintay sa ‘yo. ”
- Mildred
Hindi alam ni Gabby kung anong sasabihin. Napapikit na lamang s’ya at agad pumanhik sa kanyang silid.
“Hey, I’m talking here.” Sabi pa ni Mildred ngunit tila hindi s’ya pinapakinggan ni Gabby.
Nang makapasok si Gabby sa kanyang silid; agad n’yang sinaraduhan ang pinto.
BLAG!
Napaupo s’ya sa sahig. Pakiramdam n’ya para s’yang naubusan ng lakas ng katawan..At doon ibinuhos ang pag-iyak.
“Bakit? Bakit ako pa Anthony? Bakit mo ginawa sa akin ito?” Ang sabi ni Gabby habang pinagmamasdan ang bracelet.
“Gabby...Gabby...” Tawag ng kapatid si Mildred.
Naririnig ni Gabby ang kanyang kapatid na tumatawag sa labas ng pinto. ngunit ayaw n’yang buksan.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomanceFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...