Chap. 13
Habang nagmamaneho si Indigo pabalik sa kanilang pamamahay; hindi n’ya maiwasang hindi maalala si Lilac. Tumatakbo sa isip n’ya ang huling pagkita nila ni Lilac sa Airport.
INDIGO’S POV
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Lilac sa pagbabalik ko. Siguro natanggap n’ya na ang nangyari sa amin. Hindi ko alam kung galit ang pamilya n’ya sa akin. Pero sa tingin ko nauunawaan nila ang nangyari.
Hindi ko parin maiwasan ang mag-alala sa kanya. Kilala ko si Lilac simula sa pagkabata. Tinuring ko s’yang bilang KAIBIGAN..pero hindi ko nagawang turingin s’ya bilang ASAWA. Kahit ilang beses n’yang pinagsiksikan ang sarili n’ya sa akin..kahit ilang beses ko s’yang nasaktan..kahit ilang beses kong pinagmukha sa kanya na HINDI KO KAYANG MAHALIN S’YA TULAD NG PAGMAMAHAL KO KAY VANESSA..Naghihintay parin s’ya at umasa.
Gusto ko sanang malaman ang anong nangyayari sa buhay ni Lilac. Sabik akong makarinig ng balita tungkol sa kanya. Ewan ko, bakit ang daming bagay na gusto kong malaman tungkol sa kanya..KAYA GUSTO KO NARING UMUWI NG PILIPINAS.
-------------------------
Nang dumating si Indigo sa kanilang pamamahay; inabutan n’yang nakahiga si Vanessa sa sofa at tila nanghihina.
“Nessa, anong nangyayari sa ‘yo?”
“Igo, sumasakit ang puson ko. Dala ng buwanang dalaw ko. H’wag kang mag-alala mawawala din ito.”
“Nakabili na pala ako ng ticket natin pabalik ng Pilipinas. Pagdating na pagdating natin sa Pilipinas; diretso na tayo sa bahay ko.”
“Igo, matatanggap na kaya nila ako? Natatakot ako baka maging tulad din ng dati ang pakikitungo sa akin ng mga magulang mo..lalo na ang iyong ina.”
Umupo si Indigo sa tabi ni Vanessa.
“Nessa, ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo. WALA SILANG MAGAGAWA. WE’RE LIVING TOGETHER. KASAL NA LANG ANG KULANG SA ATIN.” Agad kinuha ni Indigo ang kamay ni Vanessa at hinagkan.
Naging kampante naman ang nararamdaman ni Vanessa. Alam n’yang hawak na hawak n’ya na ang tiwala ni Indigo.
-----------------------------------------------
( Eksena muna nina GABRIEL AT EDWARDO; pahinga muna ang ibang character. )
Sa Hacienda Montreal...
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomanceFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...