Chap. 20 FINAL 2
Nang umuwi si Gabby, hindi parin s’ya makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Edwardo. Pakiramdam n’ya HINDI SILA PWEDENG MAGSAMA. PARATING MAY MALI.
Tumuloy s’ya sa kanyang silid at napaupo sa kama. Gusto n’yang kalimutan ang nangyari kanina.
“Damn! Anong gagawin ko?” Pilit nag-iisip si Gabby. Pero walang pumapasok sa utak n’ya. Iniisip n'ya kung pwedeng baguhin ang nangyari kanina..gusto n'yang burahin agad.
Lumabas si Gabby sa kanyang silid. Hinanap n’ya sina Debbie at ang katulong..saka lamang n’ya naalala DAY OFF pala ng dalawa. Wala rin si Bitoy dahil nasa Hacienda Montreal.
“Great. Wala pala akong makakausap ngayon dito.” Nais n'ya na may makausap man lang. Naisipan nalang ni Gabby na magluto ng pagkain.
Pagkatapos ay muling nagmukmok sa kanyang silid.
" Nakakahiya talaga! Bakit ko nagawa 'yon? Ang dali kong matukso. Ano na lang kaya ang iisipin n’ya?“ Tinakpan ni Gabby ang mukha n’ya ng unan.
Naiisipang muli umalis ni Gabby. Kahit madilim na gusto n’yang aliwin ang sarili. Ayaw n’yang maalala si Edwardo at ang ginawa nila sa loob ng Library. Pumunta s’ya sa playground at doon nagpahangin.
-------------------------------------
Kinabukasan, pagkagaling ni Gabby sa kanyang Orchids farm muli s’yang dumaan sa LIBRARY.Hindi maunawaan ni Gabby ang sarili kung bakit hinihila s’ya ng kanyang mga paa na pumunta sa lugar na ‘yon.
Muli s’yang umakyat sa pangalawang palapag..At naghanap ng ibang aklat. Tulad ng dati walang katao tao sa paligid. Naglakad si Gabby sa dulong bahagi.
Muli n’yang binuksan ang bookshelf at naghanap ng isang aklat.
“ The Woman He Loved by Ralph G. Martin...Ahh, ito ‘yong story ni King Edward VIII.. Nakakatawang isipin HE ( King Edward VIII) gave up his throne for his Love..” Napangiti ng bahagya si Gabby.
Dahan dahang naglakad si Gabby habang tinitignan nito ang bawat pahina ng aklat na nakuha. Hindi n’ya napansin na may taong papalapit sa kanya. Nabundol n’ya ito.
“I am right. Dito lang rin kita makikita.” Sabi ng lalaki. Napatingin si Gabby sa taong nabundol.
DUB DUB DUB DUB...
Hindi alam ni Gabby..kung anong gagawin. Napaatras s’ya. Nasa harapan n’ya si Edwardo.
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomanceFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...