Chap. 35

8.5K 223 6
                                    

Chap. 35

Habang titig na titig si Vanessa sa larawan ng bata, biglang dumating si Indigo.

“Nessa, why are you here?” Nagulat si Vanessa nang makita si Indigo.

“Dumaan lang ako dito..sabayan mo naman akong magmeryenda sa labas. Pwede ba?” Pagyayaya ni Vanessa sa asawa.

“Okay.” Niligpit ni Indigo ang gamit. Nakita ni Indigo na hawak hawak ni Vanessa ang frame.

“Nessa, ibalik mo na nga ‘yan sa dingding.” Utos ni Indigo.

“Kaninong anak ito Indigo?” - Vanessa

“I don’t know. May isang photo studio lamang ang nagpadala n’yan dito. Bakit ba?”

“Hindi kaya anak mo ito sa ibang babae?” - Vanessa

“Nessa, pwede ba tigilan mo ang mag-isip ng bagay na ‘yan.” Kumunot ang noo ni Indigo.

“Hindi ako makapag-isip ng ganito Igo; kung sana wala kang nakaraan sa ibang babae. And besides, hindi na tayo nagsisiping ng madalas. Ano sa tingin mo ang dapat kong isipin?”

“Nessa, alam mo naman na dapat kang maging maingat. Hindi ako nagmamadali. Iniisip ko ang kalagayan mo.” Diinang sinabi ni Indigo.

“Igo, hindi mo maalis sa akin ang lahat ng ito habang wala tayong anak. Okay, bakit hindi tayo magpatingin sa doktor..maghanap tayo ng surrogate mother.”

Napansin ni Indigo ang pagkabalisa ni Vanessa. Hindi naman ito katulad noon na nag-iisip ng ganung bagay..para bang may kinakatakutan ito...o naniniguro lang sa kanyang kalagayan.

“Nessa, darating tayo sa puntong ‘yan. Siguraduhin muna nating ang kalagayan mo.”

Nahalata naman ni Vanessa na tila umiiwas si Indigo sa kanyang ideya.

Lihim na tinanggal ni Vanessa ang sticker sa likod ng frame. At ibinalik ang larawan sa dingding.

At kinuha n’ya ang desk calendar sa mesa ni Indigo.

-------------------------------------

Kinabukasan, sinundo ni Indigo si Trixy sa pamamahay ng kayang mga magulang..

“Nay, samahan mo nga akong pumunta ng Assuncion. Mamasyal tayo. Pupuntahan nating ang Hacienda Montreal.”

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon