Chap. 11
Bumalik si Gabby sa Hacienda Montreal. Doon alam n’yang ligtas s’ya sa taong pinapaniwalaan n'yang sinusundan s'ya.
Samantala, naging panatag ang loob ni Edwardo na nasa Hacienda Montreal si Gabby. Lagi namang nakabantay sina Debbie at Bitoy. Lahat ng ginagawa ni Gabby ay detalyadong pinaparating ni Debbie kay Edwardo.
Pagkalipas ng ilang buwan...
“UHAAAAAA....UHAAAAAAA.....”
“Shhhhh...Shhhhhh....nagugutom ka na ba?” Tanong ni Gabby sa kanyang sanggol.
Isinilang ni Gabby ang isang batang babae..at pinangalanang GERALDINE.
“Aba, bagay na bagay pala sa ‘yo ang maging ina.” Nagulat na lamang si Gabby nang makita si Lilac at Indigo. Kasama nila ang kanilang 3 anak.
“Mamoo...” Tawag ni Cyan at hinalikan ang pisngi ni Gabby.
“Mamoo..pwede ko po bang halikan ang pisngi ni GERRY ( Geraldine )?” Tanong ni Cyan.
“Oo naman.” Agad inilapit ni Gabby ang sanggol sa anak ni Lilac.
“Mamoo..bakit mag-isa lang si Gerry? Wala po ba s’yang kapatid?” Biglang tanong ni Lily.
“Ah, eh...kasi hindi nakahabol eh...” - Gabby.
“Eh, ba’t wala s’yang Daddy tulad namin?” sa tanong ng bata nagkatinginan ang tatlo.
“Kids, kasi ganito..ammmm nasa malayo ang DADDY ni Gerry.” Biglang singit ni Indigo.
“Eh, kelan namin s’ya makikilala?” Muling tanong ni Cyan.
“Pwede ba, doon na muna kayo sa labas..ang kukulit ninyo.” Saway ni Lilac. Kaya tinawag ni Lilac ang mga yaya ng kanyang mga anak at pinalabas sila sa silid.
“Gabby, meron ka na bang clue kung sino ang ama ng bata?” Tanong ni Indigo.
“Igo, hanggang ngayon hindi ko parin kilala. Pero alam kong nandirito s’ya sa Pilipinas.”
“Kung ganun, dapat mag-ingat ka at ang bata. Malay mo kukunin n’ya ang bata sa ‘yo .” - Lilac
BINABASA MO ANG
A PIECE OF YOU
RomanceFIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character ) Gabby Montreal is a Tomboy. Gusto n'yang maging ganap na lalaki. Pero may isang lalaking nagmamahal sa kanya..At tanggap ang kanyang tunay...