CHAPTER 2
CHIMON'S POVKinuha ko 'yung walkie-talkie sa bulsa ko. Pinindot ang switch bago nagsalita. "This picture is a Class Picture of Ms. De Leon together with her Gr. 5 Students."
Itinaas ko pa ang hawak kong picture. Para makita na rin ng iba at makasigurado ako. Unang tingin pa lang kasi, malalaman mo na agad na isa itong Class Picture. Nakaupo silang lahat habang nakasuot ng complete uniform. Nasa gitna yung nakasuot ng kulay Pink na Uniform. Siya lang ang natatanging may suot ng ganon. May naka-print ding 'Mataas na Kahoy Elementary School.' Sa ibaba at Gr. 5 sa gilid.
"Mr. Joseph and Ms. De Leon are relatives." Singit ni Audrey. Pareho na kaming nagkaroon ng isang puntos. Gaya ko, may hawak din siyang isang maliit na picture. "Mr. Joseph is a close relatives of Ms. De Leon."
"Paanong nangyari 'yon e magkaiba sila ng last name?" Tanong ni First. Napansin ko sina Bright at Arissa na naghahanap din ng mga clues. Ganon din sina Saint at Krist.
"Hula lang." Natawa kami ng bahagya dahil sa sinabi niya. Ibinaba niya na rin 'yung picture na hawak niya.
Habang tumatagal, mas kinakabahan ako.
"Base on the Personal Information of Ms. De Leon," Tumingin muna sa amin si Arissa bago ibinalik ang tingin sa puting folder na hawak niya habang nakatapat ang walkie-talkie sa bibig niya.
"Her Real name is Angelina De Leon. She was Graduated in University of Santo Thomas gaya ng sinabi sa atin kanina. Bago siya kumuha ng Bachelor of Science in Information Technology, nagtapos muna siya ng Bachelor of Elementary Education." Huminto siya saglit. Binuklat ang kasunod na page.
"She was a adopted child. Since, her parents were separated, she just followed her mother's last name dahil hindi naman sila kasal na dalawa. And the mother of Ms. De Leon and Mother of Mr. Joseph Manalastas ay magkapatid. Naging asawa ng nanay ni Mr. Joseph ay si Felicito Manalastas na matagal ng patay."
Nagkaroon ng isang puntos sa tabi ng pangalan niya. Si Saint, Bright at First nalang ang walang puntos sa aming pito.
"Do you think na si Mr. Joseph ang pumatay sa kaniya?" Tanong ni First. Kaniya-kaniya na kami ng ginagawa ngayon.
"I don't know kung kaya niyang patayin si Ms. De Leon lalo na at close relatives silang dalawa. And sa nakikita ko, walang reasons si Kuya Joseph para patayin niya si Ms. Angelina De Leon."
"Sa tingin ko may iba pang tao ang nakakita sa crime scene maliban kay Mr. Joseph." Biglang nagsalita si Krist. May kung ano siyang ipinasok na bilog sa loob ng laptop. "Look." Itinuro niya yung screen ng TV. Napalingon tuloy kaming lahat.
"Around 6:30 to 8:30 siya pinatay. Look at the time frame sa CCTV footage." Inulit niya ulit yung video at itinapat sa taong pumasok sa office ni Ms. De Leon. "Sinamantala ng murderer na wala ng estudyante sa buong campus para magawa niya ng maayos ang binabalak niya. By 5:30 to 6:00 PM, wala ng estudyante sa buong campus dahil by 4:30 ang dismissal ng mga estudyante."
Pinast-forward niya ang video at pin-lay ulit at itinapat sa taong pumasok sa loob ng office ni Ms. De Leon. "By exactly 6:30, pumasok yung murderer para patayin siya. And by exact 8:30, lumabas siya ng parang walang nangyari."
Nadagdagan ang dalawang puntos si Krist. Mayroon na siyang 150 points ngayon. Kaya dalawa ng nadagdag sa puntos niya, iyon ang isa sa pinakahighlight ng case. Kami nila Audrey at Arissa ay may 50 na puntos.
"After a 20 minutes, makikita natin si Mr. Joseph na naglalampaso. Naiwan ng murderer na nakabukas ang pintuan kaya kung mapapansin niyo, pagkatapat ni Mr. Joseph sa office ni Ms. Angelina, napa-upo siya. Halatang nagulat din sa nakita. Meaning to say, hindi si Mr. Joseph ang pumatay sa kaniya kundi yung huling lalaking pumasok sa office niya."
"E, sino 'yung lalaki?" Tanong ko.
"Kailangan natin mahanap yung papel na sinulatan niya. Duon natin malalaman kung sinong murderer."
"Wala na ba? Yan lang ba?" Tanong ko ulit. Pakiramdam ko kasi, putol yung CCTV footage na napanood namin. Hanggang dun lang sa napaupo si Mr. Joseph ng makita niya si Ms. Angelina na wala ng buhay.
Parang may mali.
Parang may kulang.
"I think, pero baka may mahanap pa tayong SD Card na katuloy ng footage," Nagpalinga-linga ulit siya. Pakiramdam ko, nandito lang lahat ng sagot sa crime scene na 'to. Pinapaikot-ikot lang kami. Alam ko rin na nararamdaman ni Krist na andito lang lahat ng sagot sa tanong namin at sa kung sinong pumatay kay Ms. Angelina De Leon.
Kung titingnan mo talaga kami, para kaming Investigator. Parang nasa mismong crime scene kami. Naghahanap ng mga evidences at clues para matukoy at mapakulong kung sino ang may sala.
"Masyadong matalino yung murderer. Kaya niyang magpanggap na parang walang nangyari." Narinig kong kumento ni Bright. Halata sa boses na kinakabahan siya.
"Napansin mo ba?"
"Yung alin, First?" Tanong ko pabalik sa kaniya. Magkatabi lang kaming dalawa. Binubuklat isa-isa lahat ng files niya sa ilalim ng lamesa. Mediyo may kalumaan na lahat. Malabo na rin yung sulat ng iba at puro alikabok pa.
"Yung paglalakad at 'yung galaw sa CCTV kanina. Pati 'yung suot. Parang hindi similar yung suot at galaw niya."
"Wait." Hinila ko si First papunta sa laptop at pin-lay ulit yung CCTV footage. Sabi na, e. Parang may mali talaga kanina habang tinititigan ko. Tinapat ko sa oras kung saan may pumasok na tao sa office niya. "Look. Magkaiba yung kilos niya sa damit niya."
Pin-ause ko ulit yung video at ipinakita sa kaniya.
"What do you mean?"
Pin-lay ko ulit. Zi-noom. Mas tinitigan ko pa. Tama nga ang hinala ko. "Tingnan mong maigi. The way he walks, iba. Di ba yung mga ganiyang pormahan karamihan lalaki?" Tumango siya. "Pero kung titingnan mo rito, hindi panlalaki yung katawan niya. Fitted sa kaniya yung jacket pati yung pantalon na suot niya kaya mapapansin mo yung kurba sa balakang niya. Mas malambot din siyang maglakad kumpara sa ibang lalaki."
Kahit nakasuot pa ito ng mask at balanggot, halata pa rin sa paglalakad kung ano siya. Hindi masyadong makita yung mukha niya sa CCTV footage dahil masyado itong malabo. Luma na rin. Ilang taon na rin ang footage kaya mediyo mahirap ng ma-identify ang mukha niya.
"You mean na babae yung murderer?"
Gulat siyang napatingin sa akin. Pati ako, nagulat din sa nalaman ko. Masyadong nagfocus si Krist sa time frame kaya hindi niya napansin yung kilos ng taong huling pumasok sa office ni Ms. De Leon.
Kin-lick ko ulit yung button sa walkie-talkie ko. "The murderer is not a boy, it's a girl." Napansin kong napatingin din sa'min sila Krist. Nadagdagan ng isang puntos yung pangalan ko. Nasa ikalawang pwesto na ako. Kasunod ko si Audrey at Arissa.
"Is this the knife na ginamit para patayin siya?" Napatingin ako kay Arissa. Hawak nito ang duguang kutsilyo na posibleng ginamit kay Ms. Angelina para patayin siya ng murderer. "And how about this rope? Anong connection niya dito sa knife na hawak ko?"
BINABASA MO ANG
HELL BOOTH (COMPLETED)
Mystery / ThrillerOne accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in the class. After solving many cases, they accidentally discovered what really happened to the other st...