Chapter 29: Day Before The Investigation

1.7K 17 0
                                    


DAY BEFORE THE SECOND INVESTIGATION.

CHAPTER 29
PRINCIPAL'S P.O.V

     Palaisipan pa rin sa akin ngayon ang biglaang pagkamatay ni Amanda. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Alam ko na ayaw siya ng mga estudiyante rito, pero bakit kailangan pang umabot sa ganito?

     Napatingin ako sa pulis na tumawag sa pangalan ko. Nakatanaw lang ako sa mga estudiyanteng naglalakad papunta sa kung saan. Ito na siguro yung result ng autopsy at test na ginawa sa katawan ni Amanda.

     "Nandito na po yung result na ginawa namin kay Ms. Amanda, Sir. Naipaautopsy na rin po namin. Mabilis naman pong natapos ang proseso dahil nakita rin po agad ang mga possible causes ng pagkamatay niya bukod pa sa inilagay na lason sa tumblr niya." Turan ng pulis sa akin bago iabot ang brown envelope na hawak niya.

      "Anong lason ang pumatay sa kaniya?" Tanong ko. Sinimulan ko ng buksan at kunin ang mga test result na ginawa kay Amanda.

     "It is a Paraquat Dichloride, Sir." Sagot ng pulis. Pamilyar ako sa pangalan na 'yon. It is one of the pesticide na ginagamit ng farmers sa ibang bansa kung hindi ako nagkakamali.

     "Pesticide?" I ask him again.

     Tumango siya. "Probably, yes." Napatingin ako. "Hindi lang siya basta isang pesticide, Sir. Isang uri ng pesticide ang lason na inihalo sa ininom ng biktima."

     "Give me more concrete information, Inspector. Erik Santos."

     Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko ngayon. Hindi ko akalain na ganito pala ang magiging epekto nito sa tao kapag ininom niya ito. It can ruin your system. Hindi lang mga body parts natin sa kaniya.

     Ang ipinagtataka ko lang kung saan nanggaling ang Dichloride na 'yon. Habang nag-iisip ako ng mga possible suspect sila lang ang naiisip ko dahil sila ang huling kasama ni Amanda bago ito mamatay.

     Kaya nilang mas maging magaling dahil sa mga talino nila kapag pinagsama-sama. Kaya hindi ako pwedeng magkamali. Baka may kinalaman sila rito sa nangyari. Pero kahit ganon pa man, imposibleng magawa nila 'yon dahil mga bata pa lang sila. Hindi pa nila kayang pumatay ng ganon-ganon nalang.

     "Paraquat Dichcloride is a toxic chemical that is widely used as an herbicide or plant killer, primarily for weeds and grass control. Commonly siyang ginagamit sa United States para sa mga halaman nilang tinatanim upang mas maging maganda ang tubo at itsura. Ito rin ang naging dahilan ng pagkamatay ng biktima."

     Hindi nga ako nagkakamali. Ginagamit nga ito sa ibang bansa para sa mga halaman nila. Narinig ko na to dating pesticide na 'to, pero hindi ko lang maalala kung saan.

     "Possible na may nagdala ng pesticide na 'yan dito at ito ang inilagay sa ininom ni Amanda." Kumento ko.

     "May kilala po ba kayong mga estudiyante niyo ang galing o may kamag-anak sa ibang bansa?" Tanong ng pulis sa akin.

     Tumango ako. "Wala pa. Pero titingnan ko lahat ng mga background information nila na nasa office ko. Baka sakaling matrace natin kung sino o may kasabwat sila."

     "Sige, sir. Kami ng bahalang mag-imbestiga. Sabihin niyo lang po kung kailan at anong oras." Sabi ng pulis na kausap ko. May dalawa pa akong napansin na pulis sa likuran niya pero hindi ito nagsasalita.

     "Dito nalang siguro. Morning. Duon mo nalang paghintayin lahat ng iimbestigahan sa Guidance Office. Kayo nalang din ang magbantay sa mga estudiyante ko." Sabi ko.

     "How about the seniors, Sir? Baka po may alam sila sa nangyari?" Tanong ng isang pulis sa likuran niya. Bandang kaliwa. Kaya pala hindi siya nagsasalita kanina dahil may kung ano siyang sinusulat sa papel.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon